Home Headlines Intercity sa Bulacan, nagbebenta na din ng P38/kilo ng bigas

Intercity sa Bulacan, nagbebenta na din ng P38/kilo ng bigas

595
0
SHARE
Ang mga bigas na nakapakete ng tig-5 kilo para sa kada household na mamimili kada araw. Kuha ni Rommel Ramos

BOCAUE, Bulacan —- Nagtitinda ang Intercity Rice Mill Owners and Traders Association (IRMOTA) ng P38 kada kilo ng bigas.

Ang Intercity Industrial Estate sa Bocaue ay kilala na isa sa major rice trading center na nagdadala ng bigas sa Gitnang Luzon at Kamaynilaan.

Mabibili dito ang naturang bigas sa bukana ng Intercity ng maximum ng tig-5 kilo kada pamilya na bibili sa kada-araw na sasapat para maitawid ang pagkain ng mga ito ng hanggang dalawang araw.

Ayon kay Geevie David, presidente ng IRMOTA, wala na kasi na mabili sa ngayon na halaga ng bigas sa palengke na P38 o P39 kada kilo kaya nagkasundo ang kanilang grupo na magbenta ng murang bigas para makatulong sa mga mahihirap.

Mahal kasi aniya ang palay sa ngayon dahil lean months kayat tatagal ang kanilang programa ng hanggang sa katapusan ng Agosto o unang linggo ng Setyembre.

Mula Hunyo hanggang Agosto kasi aniya ang lean months at inaasahan nila na dadagsa na muli ang supply ng palay matapos ang mga buwan na iyon at bababa na muli ang bentahan ng bigas.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here