Integridad ni Panlilio o ang kakayahan nito?

    426
    0
    SHARE
    Kung sa palagay ng mga nagsusulong
    Kay Panlilio na siya’y puede na sigurong
    Isabak sa puestong pinaka-‘powerful’
    Comes year 2010 national election,

    Ay dapat pa nga po nating ‘PAGMARAGUL’
    Imbes kastiguhin ang ganyang opinyon;
    Pagkat bilang Capampangan ‘where we belong,’
    Sa ganang amin ay karangalan po ‘yon!
     
    Na ibang tao pa itong nagnanais
    Mailuklok si Gob sa ika nga’y country’s
    Most celebrated post, (at tayo ang pilit
    Humaharang upang hindi makapanhik).

    Nangangahulugan na mas may tiwala
    Ang iba pang rehiyon kaysa atin yata?
    Gaya na lamang ng pagsuportang kusa
    Nina Padaca sa ganyang paanyaya!

    Anong masama sa posibleng pagtakbo
    Ni Among sakali’t mapapayag ito?
    Huwag muna po nating husgahan ang tao
    Sa kakulangan ng karanasan nito.

    Eh bakit si Madam Corazon Aquino,
    May ‘experience’ baga sa akala ninyo?
    Pero natapos niya ang kanyang termino
    Ng matiwasay sa bitbit niyang talino.

    Si Panlilio mandin may pinag-aralan
    At yan ay di lingid sa ‘ting kaalaman,
    Kaya’t kami man po ay naniniwalang
    Kakayanin ni Gob ang puestong naturan.

    Itong sinasabi nilang integridad
    Na diumano’y tila wala sa kalidad
    Ni Ed Panlilio ay wala namang sapat
    Na batayan upang pagdudaha’t sukat.

    Pagkat tunay namang ang personalidad
    Ni Eddie Panlilio bilang ‘public servant,’
    Sa puntong nasabi ay di natin dapat
    Pagdudahan man lang sa pagiging ‘corrupt’.
     
    Kung inaakala nating di pa hinog
    Para maging Pangulo ng Bansa si Gob,
    Ano ang posible nating ikatakot
    Kung siya ay di naman sanay mangurakot?

    Na kagaya nitong tinubuan na riyan
    Ng ‘sungay’ ika nga sa pamahalaan,
    Kaya nga sa sobrang ‘experience’ ng ilan
    Ay nasimot pati ang kaban ng bayan! 

    At marahil wala naman ding peligro
    Kung ang ihahalal po nating Pangulo
    Ay isang kagaya ni Eddie Panlilio
    Na dati ay isang Paring Katoliko;

    Nasubukan na po nating nagkaroon
    Ng mga batikang mga Manananggol,
    Mga Economist at kung anu-anong
    Ika nga ay de kalidad na propesyon;

    Pero di ba’t mayrung sa sobra n’yang dunong
    Ay nakuha nitong sa utang ibaon
    Pati na ang di pa isinilang noon
    Kaya’t ang bansa ay naghihirap ngayon?

    Sa puntong naturan, ano’t di subuking
    Pari naman itong suportahan natin?
    Upang kahit kaunti’y may pagasa pa rin
    Tayong makawala sa pagka-gupiling!

    (May karugtong)



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here