Animo’y premiere night ng isang higanteng pelikula ang advance screening ng todong pinagkagastusan ng mga producer at dinumog ng mga fans. Very Regal ang atmosphere sa SM Aura sa Taguig.
Kahit maikli ang naging usapan namin ni Mommy Inday, damang-dama namin sa matinding yakap niya ang labis-labis niyang kaligayahan.
Napakaganda niya kahit walang make-up. Sa kanya talaga nagmana ang kanyang mga anak bagama’t poging-pogi rin si Daddy Mike. Napakaganda rin ng serye sa pagkakagawa ni direk Joel Lamangan kaya ‘wag na sana siyang madalas magalit para maiwasan ang panibagong atake sa puso.