Home Headlines Infra project minamadali ng DPWH

Infra project minamadali ng DPWH

1106
0
SHARE

Ang ginagawang kalsada sa National Highway at flood control projects sa 1st District ng Zambales. Kuha ni Johnny R. Reblando



CASTILLEJOS, Z
ambales — Minanadali na ng Department of Public Works and Highways ang mga naantalang infrastructure project sa unang distrito ng Zambales.

Ito ay matapos na isailalim sa general community quarantine ang Olongapo City at Zambales at luwagan ang mga restrictions para muling masimulan gawin ang mga nakabinbin na mga proyekto mula nang ipatupad sa Luzon ang enhanced community quarantine noong March 17.


Ayon kay DPWH 1st Engineering District Engineer Hercules Manglicmot, bumalik sa trabaho ang mga kontratistang gumagawa ng kalsada, drainage, at iba pang flood control project.

Batay sa Excel Reports on General Appropriations Act 2020 noong May 31, ang national roads ay may 28.37 percent, ang flood control ay 36.68 perent, at local projects ay 39.70 percent ng pagkagawa.

Ani Manglicmot: “Ang lahat ng project kasi sabaysabay gawin. Sabaysabay mag start. So, kung 50 projects lahat, ang iba naka 50 percent na ang nagagawa, yung iba nasa 30 percent, yung iba 20percent. Pag nagaverage ang accomplishment ng mga projects, iyan yung percent of accomplishment”.

Dugtong pa ni Manglicmot na nagsimula na ang tag-ulan kaya dapat matapos na ang proyekto. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here