LUNGSOD NG SAN FERNANDO – “Wala na siyang panalo. Iniisip niya lang na mananalo siya.”
Ito ang naging pahayag ng ilang mga Kapampangan sa pamamagitan ng isang informal at text survey na ginawa ng Punto bilang reaksyon sa muling pagsabak ni Sen. Lito Lapid sa pagka-gubernador sa 2010 eleksyon.
Pagtetext, panayam na personal sa ibat-ibang mga residente sa iba’t ibang bayan at informal survey sa internet (Yahoo Messenger) ang ginawa ng Punto upang kumuha ng mga pahayag.
Ani Mang “Al” na taga-Casmor Subd., Mabalacat, malabo nang manalo si Lapid bilang isang gubernador dahil sa quarry scam na kinasangkutan nilang mag-ama.
“Matalino na rin ang mga botanteng Kapampangan ngayon. Nag-iisip, nagsusuri at kumikilatis dahil gusto nila ng tunay na pagbabago, at hindi yun mangyayari sa ilalim ng pamumuno ng mga Lapid,” dagdag pa ni Mang Al
Matatandaang kinasuhan ang kanyang anak na si Mark ni Vice Gob. Joseller “Yeng” Guiao sa Office of the Ombudsman dahil sa iregularidad sa koleksyon ng quarry.
Sinubukang itext at tawagan ang sinasabing spokesperson ni Lapid na si Bernie Cruz upang kunan siya ng pahayag ngunit hindi ito sumasagot sa kanyang telepono.
Subalit sa isang text naman ni Deng Pangilinan, chairman ng Mabalacat Water District at isa umano sa mga public relations officer ng mga Lapids, sinabi niya na: “We respect their personal views but let’s just wait for the outcome of the 2010 polls. From there, malalaman natin kung sino talaga ang gusto ng ating mga kabalen para mamuno sa ating probinsiya.”
Ang ilang mga manggagawa din sa City Hall ng San Fernando ay nagsabi rin na hindi na mananalo si Lapid.
“Sa palagay ko hindi na siya mananalo at hindi na siya dapat manalo. Huwag na natin bigyan pa ng pagkakataon ang mga Lapids para magpayaman,” ani ng 29 anyos na babeng empleyado sa kanyang text.
Isang hindi kilalang numero naman ang nagtext at nagsabing: “Gusto siya ng Kapampangan bilang artista at dating gov, pero after the quarry issue, may mga ayaw ng bumoto for him. Baka hindi na siya manalo sa local post.”
Sinabi din ni “Kuya Nor” ng San Simon na hindi na mananalo si Lapid dahil nasubukan na raw siya at walang nagawa. Subalit may pasubaling “tignan natin baka may magic pa si Leon Guerrero.”
Ang ilang mga mag-aaral ng nursing naman ay nagsabing kilala nila si Lapid bilang artista at senador.
“I know him, but i don’t know his contributions in politics. atin ba (is there?)?” said a female student of Holy Angel University.
Mayroon ding tumangging magpahayag ng kanilang opinyon at sinabing “wala kaming alam na isagot. Pero si Noynoy Aquino sigurado naming iboboto bilang pangulo.”
Ani naman ng isang Rey Nalit na nagpakilalang taga-Manibaug, bayan ng Porac: “Mahiya naman siya. Kulang pa ba mga savings niya? Is this a race of money with the Arroyo family? 1st , he no longer have the ‘face’ to run; 2nd, di naman engot mga Kapampangan to vote for him again; 3rd, wala siya rason para humabol ulit; 4th, ayusin muna niya ang mga kaso sa Ombudsman; 5th, magshowbiz nalang siya baka dun maging proud pa sa kanya ang mga kapampangan.”
Wala namang ibinigay na pangalan ang mga ininterview kung sino ang dapat na mamuno sa Pampanga bilang gubernador.
Wala ding nagtext na pumapabor na maging gubernador ulit si Lapid.