Indigenous HS pinasinayaan

    321
    0
    SHARE
    BOTOLAN, Zambales –Nakamit na ng mga katutubo ang kanilang pangarap na magkaroon ng sariling paaralan pang-high school matapos pasinayaan ito noong nakalipas na linggo sa bayang ito.

    Ito ay upang marating pa ng mga katutubo ang karagdagang kaalaman sa larangan ng edukasyon.

    Personal na nagtungo si DepEd Secretary Bro. Armin Luistro sa paanyaya mula sa mga katutubo sa pangunguna ni Chieftain Carlito Dumolot para sa blessing at opening ng Lakas High School na itinayo sa Barangay Bihawo, Botolan.

    Isinagawa ang ribbon-cutting nina Luistro at 2nd District Rep. Cheryl Deloso Montalla, saksi ang mga DepEd officials, LGUs at mga katutubong mga pamilya, kung saan sa pagtutulungan ng pribadong korporasyon tulad ng Inner Wheel
    Manila, tanggapan ng DepEd at ng kongresista ay naitayo ang gusali na kanilang tinawag na “Mother House” na yari mula sa mga kawayan, kahoy at kugon.

    Sa kauna-unahang pagkakataon ay mayroon nang sariling paaralan ang mga ito at ayon sa DepEd sasailalim ito sa MOOA o operational expenses at mismo ang kapwa nila katutubo na nagtapos ng pagiging guro ang magturo upang lalo pang mapag-aralan ang kanilang kultura at kasaysayan ng kanilang community leaders dahilan sa sila ang naunang tao sa lugar na ito.

    Sa naganap na programa naipakita ang telang nagsasaad ng Affirmation of Commitment to Indigenous Peoples Education, na sa Pledge nito ay “Walang Bibitiw, Sama-samang Pagtulong sa Pagsulong sa Katutubong Edukasyon” na nilagdaan ng bawat DepEd supervisor na inilibot umano sa buong Pilipinas, kung saan mismo ang Secretary ay lumagda din at naglagay ng simbolong telang may kulay.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here