MARILAO, Bulacan—Isang Indian national na kinidnap ang nailigtas ng pulisya matapos mapatay sa isang shoot-out ang apat na hinihinalang kasapi ng notorious na Bangus kidnap-for-ransom gang noong Lunes ng gabi.
Isang pulis ang nasugatan sa nasabing shoot-out, samantalang nakatakas ang dalawa pa sa mga suspek.
Ang Indian national ay kinilala lamang ni Chief Supt. Nilo dela Cruz, Central Luzon police director, na isang “Mr. Singh,” 23 anyos, bilang proteksyon sa kanya.
Ang mga suspek namang napatay sa pakikipagbarilan sa mga pulis ay nakilalang sina Rodel Tabunan, 25, ng Barangay Baloc, Sto. Domingo, Nueva Ecija, at Rolando San Juan, 49, ng Barangay Sta. Rosa sa bayang ito, samantalang dalawa pa nilang kasama ang hindi pa nakikilala.
Ang nasugatang pulis naman ay nakilalang si P01 Ronald Gregorio na tinamaan sa kaliwang balikat. Siya ay isinugod sa St. Michael Hospital sa bayang ito ngunit inilipat din sa UST Hospital.
Ayon kay Dela Cruz, ang biktima ay kinidnap ng anim na suspek na nakasakay sa isang Toyota Vios at isang motorsiklo sa Barangay Lolomboy sa bayan ng Bocaue bandang alas 9:20 ng gabi noong Lunes.
Pagdating sa Barangay Abangan Sur sa bayang ito, nagsimulang makipagpalitan ng putok sa mga pulis ang mga suspek na ikinamatay ng apat sa mga ito.
Ayon kay Dela Cruz, ang mga suspek ay kilala bilang mga kasapi ng Bangus kidnap-for-ransom gang na ang binibiktima ay mga Indian national.
Sa gitna ng putukan, dalawa sa mga suspek ang nakatakas ayon kay Supt. Lalaine Combe, ang hepe ng pulisya ng bayang ito.
Ayon sa 23-anyos na biktima, dumalaw lamang siya sa kanyang pinsan sa Barangay Bocaue bandang alas-7 ng gabi, at nang paalis na siya ay dinakma siya ng mga suspek na nagpakilalang pulis.
Sinabi pa ng biktima na habang nasa loob ng kotse ay tinutukan siya ng baril ng mga ito sa ulo at binantaang papatayin, ngunit ilang residente ang nakapansin sa komosyon at agad na nag-ulat sa pulisya.
Ayon naman sa mga bumbuo ng Indian community sa Marilao, si Mr. Singh ay pang-pito na sa kanilang kababayan na kinidnap.
Sinabi nila na sa mga nagdaang insidente, nagbabayad sila ng ransom na nagkakahalaga ng P1.2 million hanggang P5 million.
Bukod sa kotseng Toyota Vios na gamit bilang getaway vehicle ng mga suspek, nakarekober din ang pulisya ng isang motorsiklo, isang M-16 assault rifle, at tatlong baril na binubuo ng isang kalibre 45, isang kalibre 9mm at isang kalibre .38 mula sa mga suspek na napatay.