Home Headlines Imee: Solusyon sa mataas na bilihin inaasahan sa SONA

Imee: Solusyon sa mataas na bilihin inaasahan sa SONA

283
0
SHARE
Si Sen. Imee Marcos na umaasa na matatalakay sa SONA ang solusyon sa pagbaba ng presyo ng mga bilihin lalo na ang bigas. Kuha ni Rommel Ramos

CAPAS, Tarlac — Inaasahan ni Sen. Imee Marcos na tutumbukin sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang problema ng bansa sa napakataas na halaga ng mga bilihin.

Ito ang pahayag ni Sen. Marcos sa kanyang pagbisita nitong Linggo sa New Clark City para sa isang dialogue kasama ang ABC presidents at SK federation presidents ng probinsya ng Tarlac.

Sa press conference ay sinabi ni Marcos ay dapat na unahin ang isyu ng mataas na presyo ng mga pagkain lalo na ang bigas at inaasahan niya na mababanggit sa SONA kung paano ang gagawin ng pamahalaan dito.

Hindi naman daw siya naniniwala sa kaisa-isang plano ng administrasyon na ibagsak nang ibagsak ang taripa ng imported na bigas dahil hindi naman bumababa ang presyo ng bigas sa merkado.

Ani Marcos, hindi umubra ang pagbagsak sa halaga ng taripa samantalang namumulubi naman ang mga lokal na magsasaka sa bansa na dapat ay may tulong ang pamahalaan sa kanila na bago mag-importa ay ubusin muna ang mga local supplies.

Kasama din, ani Marcos, na dapat na tutukan ang pagkakaroon ng post-harvest facilities dahil 23% ang nawawala sa ani dahil ang kalsada lang ang nagagamit na patuyuan ng mga palay.

Paliwanag niya na kailangan na magtayo ang pamahalaan ng mga pasilidad gaya ng bodega at dryer na magagamit sa post-harvest ng mga magsasaka.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here