Home Headlines Imee pinangunahan ang AICS distribution program

Imee pinangunahan ang AICS distribution program

592
0
SHARE
Si Sen. Imee Marcos nang pangunahan sa Bulacan ang DSWD AICS distribution program. Kuha ni Rommel Ramos

LUNGSOD NG MALOLOS — Nagtungo si Sen. Imee Marcos sa Bulacan nitong Linggo para pangunahan ang distribution ng ayuda mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) na programa naman ng Department of Social Welfare and Development.

Sa Bayan ng Baliwag, 1,000 katao ang nabigayn ng tig-P3,000 mulsa sa AICS. Habang ang inisyal na 1,600 recipients naman sa Malolos ay nabigyan ng tig-P2,500 at 1,000 recipients naman mula sa Meycauyan ang nabigyan ng tig-P3,000. 

Sa panayam naman kay sa senadora, sinabi nito na para matugunan ang pagtaas ng commodity prices lalo ngayong magpapasko ay dapat na magkaroon ng malawakang plano ang Department of Agriculture at ipatupad ito.

Aniya, maging siya ay nahihilo sa pabago-bagong deklarasyon ng DA gaya ng “no import” na malaunan ay “can import” sa isda at sibuyas.

Dapat din, aniya, na hulihin ang lahat ng smugglers na nagmamanipula ng mga presyo dahil hindi na kapani-paniwala ang mga presyo ngayon na taas-baba.

Ani Marcos, inilaan ang 2023 budget sa ayuda na P530 billion na gaya ng transport subsidy, rice farmers subsidy, medical assistance, TUPAD, 4Ps, at AICS.

Ang mga ito ay tulong pansamantala sa mamayan hanggat hindi nakahahanap ang mga ito ng trabaho at makabangon ang ekonomiya, dagdag pa niya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here