Home Headlines Imbestigasyon sa P444-M plunder case laban PSA, isinampa ng PACC sa Ombudsman 

Imbestigasyon sa P444-M plunder case laban PSA, isinampa ng PACC sa Ombudsman 

1540
0
SHARE

Si PACC chief Greco Belgica matapos maisampa sa Ombudsman ang P444-M plunder case laban sa 27 matataas na opisyal ng PSA. Contributed photo


 

LUNGSOD NG MAYNILA — Isinampa na ng Presidential Anti-Corruption Commission sa tanggapan ng Ombudsman ang imbestigasyon para sa kasong pandaramong laban sa 27 personnel at mga opisyal ng Philippine Statistics Authority dahil sa maanumalyang cash advances na pumalo sa P444 million.

Taong 2016 nang naglabas ang Commission on Audit ng Notices of Disallowance sa mga cash advances ng PSA na nahati-hati sa mahigit P72-M, P150-M, P7-M, P99-M, P36-M, at P77-M.

Inimbestigahan ng PACC ang reklamo at inalam kung sino-sino ang PSA personnel at officials na nagsabwatan para sa milyong-milyong pisong unauthorized payment of cash advances na ito.

Ayon kay PACC chief Greco Belgica, lumabas sa kanilang imbestigasyon na 27 PSA personnel at officials na kinasasangkutan ng national statistician, deputy national statistician, chief administrative officer, assistant national statistician, director, chief budget, chief accountant, administrative officer, administrative assistant, at accountant, ang nagsabawatan para magamit ang halos kalahating bilyong pisong cash advances.

Nakitaan aniya ng PACC ng sapat na batayan para iharap ang 27 sa reklamong pandarambong o plunder bukod pa sa paglabag sa Government Auditing Code, gross neglect of duty, paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, grave misconduct at malversation.

Bukod sa nasabing mga kaso ay inirekomenda din ng PACC na patawan ng preventive suspension ang matataas na PSA personnel at officials na ito upang hindi nila magamit ang kani-kanilang mga opisina habang patuloy pa ang pagdinig sa naturang mga reklamo.

“Gaya ng tinuran ng ating Pangulong Duterte sa kanyang huling SONA na hindi pa rin kami titigil na labanan ang kurapsyon hanggang sa huling araw ng ating administrasyon,” ani Belgica.

Hinihikayat pa rin ni Belgica ang publiko na tumulong sa kampanya ng administrasyon laban sa korapsyon at agad na makipag ugnayan sa PACC o mag text sa 0906 692 7324 at tumawag sa 8888 o mag email sa complaints@pacc.gov.ph.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here