Home Headlines Imbestigasyon ng PACC sa alegasyon ng anumalya sa SAP patuloy, Starpay transactions...

Imbestigasyon ng PACC sa alegasyon ng anumalya sa SAP patuloy, Starpay transactions kasama na sa binubusisi

501
0
SHARE

Si PACC Chief Greco Belgica habang ipinapaliwanag sa media ang ilang detalye sa pagpapatuloy ng kanilang pagdinig sa bintang ng SAP anomaly ng DSWD.


 

LUNGSOD NG MAYNILA — Patuloy ang imbestigasyon ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) hinggil sa ‘di-umanoy anomalya sa Social Amelioration Program (SAP) partikukar ang pagsilip sa alegasyon ni Senator Manny Pacquiao ng nawalang pondo sa paggamit ng Starpay digital payment.

Pinangunahan muli ni PACC chief Greco Belgica ang pagdinig na dinaluhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pangunguna naman ni DSWD Seretary Rolando Bautista sa pamamagitan ng virtual meeting nitong Huwebes (July 15).

Sa pagkakataong ito ay kasama na sa ipinatawag ng PACC ang anim na Financial Service Provider (FSP) na: GCash, Pay Maya, RCBC, Robinsons Bank, Union Bank at Starpay na rekomendado ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para sa distribusyon ng pondo gamit ang automated transactions.

Dito ay ipinaliwanag ng DSWD na pinagsumite muna nila ng proposal ang mga interesadong FSPs para sa gagawing digital payment ng SAP.

Anila, naging batayan sa pagpili ay ang experience, corporate capability, transaction fee, reach and technical capability ng mga FSPs.

Kinuha rin ng DSWD ang technical assistance at expert guidance ng BSP sa buong proseso nito.

At sa ilalim ng Multilateral Memorandum of Agreement sa pagitan ng DSWD, Land Bank at anim na FSP ay nakasaad sa kasunduan na obligasyon ng mga ito na magsumite ng liquidations at ulat ng mga successful and unsucessful transactions kayat sinisiguro nila na walang nawalang pondo ng SAP gamit ang automated transactions.

Samantala, ayon kay Belgica bago pa man magsiwalat si Senator Pacquiao ay may ginagawa ng imbestigasyon ang PACC sa mga reklamo laban sa DSWD kaugnay ng SAP funds at ngayon ay kasama na rin sa kanilang tinitignan ay kung may batayan nga ba ang alegasyon na may anumalya sa mga transaksyon ng Starpay.

Kaugnay nito ay ipinapasumite ng PACC sa DSWD ang lahat ng mga dokumento patungkol dito para mabusising mabuti bilang bahagi ng masusing imbestigasyon.

Sinisiguro ni Belgica na kung sakaling may lalabas ngang anumalya sa automated transactions ay kanilang papanagutin ang mga nasa likod nito.

Matatandaan na inihayag ni Pacquiao ang ‘di umano’y maanomalyang disbursement ng pondong inilaan para sa SAP partikular ang kuwestiyonableng alokasyon ng DSWD sa Starpay na aniyay isang maliit lamang na electronic money issuer. PACC-PIO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here