Iligal na kahoy nasabat ng NBI

    323
    0
    SHARE
    CABANATUAN CITY – Nasabat ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mahigit 4,600 board feet ng iligal na kahoy habang ibinibiyahe sa Maharlika Highway, Barangay Quezon District ng lungsod na ito bandang 12:10 ng umaga nitong Martes.

    Ayon kay Pedro Roque, Jr. NBI- Cabanatuan District Office chief, ang mga kahoy at lulan ng isang Elf forward truck na may plate number RCA- 896 na galing sa Gen. Tinio, Nueva Ecija at minamaneho ng isang Marlon Gonzales.

    Nagawang makatakas ni Gonzales ngunit nasakote ng mga operatiba ng NBI ang mga kasama nito na sina Juancho at Oscar dela Cruz at Fernan Yasania na pawang taga Barangay Rio Chico at Gabby German ng Barangay Concepción, Gen. Tinio, Nueva Ecija.

    Sinabi ni Jimmy Aberin, community environment and natural resources officer for south Nueva Ecija, na sinampahan na ng kasong paglabag sa Presidential Decree 705 o Revised Forestry Code of the Philippines ang mga suspek.

    Kaugnay into ay tiniyak ni Aberin ang mahigpit na kampanya ng ahensiya laban sa anumang uri ng iligal na pamunutol ng kahoy.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here