Ilang ‘political parties’ nagsimula ng gumimik

    430
    0
    SHARE

    Kwenta isang taon pa bago sumapit
    Ang ‘local election’ ay may maririnig
    Na tayo sa ilang ‘political parties’
    Kung sinu-sino ang mga nagnanais

    Kumandidato riyan ‘comes year 2013’
    Kahit malayo pa nga kung tutuusin
    At napakarami pang dapat harapin
    Bago ang naturang bagay ay isipin

    Na lubhang malayo pa para planuhan
    Ang pagtakbo sa susunod na halalan,
    Gaya halimbawa nitong ang ‘performance’  
    Ay hindi pasado ‘in terms of governance’

    Kundi kumbaga sa baraha’y pantapon
    Kung card ng ‘blackjack’ yan o pitsa ng mahjong,
    Kaya’t di pa man ay markado na ngayon
    Itong pulitikong handa nang itapon.

    Na kagaya nitong maraming opisyal,
    Na ni hindi man lang natin nakitaan
    Ng anumang bagay na ikararangal
    Habang sila’y nasa palingkurang bayan.

    Na walang ginawa habang nasa puesto
    Kundi magpa-‘cute’ sa Kamara’t Senado;
    At pagkakitaan lang nila ng husto
    Ang pagkakaupo sa ating gobyerno.

    Na di nalalayo rin naman kumpara
    Sa malaking bilang nitong inuuna
    Ang dapat isilid sa sariling bulsa
    Kaysa kapakanan ng ‘constituents’ nila.

    Ay makabubuting huwag nang tangkain n’yan
    Ang pamuli silang kumandidato riyan,
    Sapagkat higit pa sa inaasahan
    Ay tiyakang sila’y matatalo lamang.
     
    Dahilan na rin sa ano ang pupuede
    Nilang sa atin ay maisusumite,
    Na nagawa para sa ikabubuti
    Ng lahat na at sa ating bayan pati?

    Sa ganang amin ay mas makabubuting
    Ang humabol muli’y huag munang balakin
    Kundi manapa ang pag-ukulang pansin
    Ay kung papaanong maisulit sa ‘tin

    Ang salaping ating pinasusuweldo.
    Liban sa iba pang mga benepisyo
    Na karaniwan ng sila-sila mismo
    Ang otor para lang makakuha nito.

    Puwera pa r’yan syempre ang ‘under-the-table’
    Na karaniwan ng ya’y bigay bilang ‘tong’
    Ng mga malakas kumitang contractor
    Sa proyekto nilang ‘under size all in all’

    Na napapalusot sa pamamagitan
    Ng pasikreto at patagong lagayan,
    Kaya puno’t dulo ng ganyang usapan
    ‘Sub-standard’ lahat ang kahahantungan

    At anumang pag-hihigpit itong gawin
    Ng pamahalaan sa ‘road users’ natin
    Kung yan ay kalsada ay napakadaling
    Mawasak dala ng ganitong gawain.

    Na tiyakang sanhi rin ng kasuwapangan
    Nitong ilang nasa Pagawaing Bayan
    Kaya’t madalas ay tayong mamamayan
    Itong biktima ng ganyang kalakaran.

    At ang kakapalan d’yan ng pagmumukha
    Nitong anhin na lang ay huag nang bumaba
    Para manatiling nguso’y mamantika,
    Sana’y lubusan nang sa puesto mawala.

    At ngayon pa lang ay atin nang ibukod
    Mula sa bilang nitong nagkukumahog
    Humabol para sa halalang susunod
    Ang sa ganang atin marapat iluklok!!!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here