Home Headlines Ilang lugar sa Bataan binaha

Ilang lugar sa Bataan binaha

900
0
SHARE

MARIVELES, Bataan — Ilang lugar sa Bataan ang binaha dahil sa mga pabugso-bugsong mahina hanggang sa malakas na ulan na nagsimula kahapon, Martes at nagtuloy-tuloy ngayong maghapon ng Miyerkules.

Kahit nakatigil ang ulan ay madilim ang paligid at talagang hindi lumitaw ang araw ngayong maghapon.

Halos zero visibility dahil sa makapal na fog sa Roman Highway, lalo na sa Mariveles,  ganoong alas-3 pa lamang ng hapon.

Ang Barangay Ipag sa bayan ng Mariveles ay isa sa mga naapektuhan ng baha bagama’t hindi naman kalaliman at madali ring humupa.

Sinabi ni Ipag barangay chairman Rodito Luyo  na ang kanilang lugar ang pinakamababa sa Mariveles kaya kapag umulan ay agad binabaha. “Mabilis bumaha, mabilis din namang mawala.”

“Natural lang sa amin ang baha kapag tag-ulan,” sabi nito.

Nanawagan si Luyo sa kanyang mga kabarangay na maging maingat, alerto at hind maging pabaya at sumusunod sa mga tagubilin. “Iwasan ang uminom ng alak dahil masungit ang panahon,” sabi ni Kapitan.

Kapag umuulan, ani Luyo, nagpa-public address system sila upang paalalahanan ang mga tao na maging handa at lumikas  sa  kanilang mga evacuation center kung kinakailangan.

Ang bahagi ng MacArthur Highway sa mga bayan ng Orani at Hermosa ay lubog sa tubig ngunit nadaraanan pa naman ng lahat ng uri ng sasakyan.

Sa Barangay Cataning sa Hermosa, humapay at nakababad sa tubig ang ilang bahagi ng palayan na aanihin na lamang samantalang nagmistulang dagat naman ang ilang parte ng bagong katatanim na palay. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here