Home Headlines Ilang estudyante nagkilos-protesta kontra jeepney modernization

Ilang estudyante nagkilos-protesta kontra jeepney modernization

687
0
SHARE
Tatlong araw din na magsasagawa ng kilos protesta ang ilang estudyante ng BulSU bilang pagtutol sa jeepney modernization. Kuha ni Rommel Ramos

LUNGSOD NG MALOLOS — Nagsagawa ng kilos protesta ang ilang mga estudyante ng Bulacan State University (BulSU)na tutol din sa jeepney modernization ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board kasabay ng tatlong araw na tigil-pasada ng ilang grupo ng jeepney drivers at operators.

Hawak ang mga placards sa gilid ng MacArthur Highway, isinisigaw ng mga kabataan ang kanilang hinaing laban sa jeepney modernization program.

Ayon kay Althea Jana Trinidad, senator ng student government ng BulSU, tutol sila sa jeepney modernization dahil dagdag pasanin sa mga estudyante ang dagdag pasahe sa modernized jeepney.

Tiyak anila na magtataas ang mga pamasahe at hindi din sasapat ang bilang ng mga bagong jeep sa bilang ng mga mananakay.

Hindi rin anila napapanahon ang pagsusulong nito dahil maraming usapin sa ekonomiya na dapat munang ayusin sa bansa.

Bukod doon ay mahal din aniya ang presyo ng bagong mga jeepney at mahihirapan ang mga tsuper sa pagbabayad nito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here