Home Headlines Ikinasiya sa Ecija: Magkalaban sa pulitika nagkasama

Ikinasiya sa Ecija: Magkalaban sa pulitika nagkasama

1369
0
SHARE

Sina Gov. Aurelio Umali (kaliwa), Mayor Myca Elizabeth Vergara at NEIATF Spokesman Fr. Arnold Abelardo.


LUNGSOD NG CABANATUAN – Mistulang umapaw ang kaligayahan ng mga mamamayan ng Nueva Ecija nang malaman na nagkasama sina Gov. Aurelio Umali at Cabanatuan City Mayor Myca Elizabeth Vergara sa Kapitolyo nitong Biyernes, Mayo 15.

Si Vergara at 28 na iba pang alkalde ay dumalo sa pulong na ipinatawag ni Umali sa Kapitolyo upang i-plano ang mga hakbang na kailangang gawin sa patuloy na paglaban sa coronavirus disease pandemic.

Pulong nina Gov. Aurelio Umali at mga alkalde ng Nueva Ecija.

Sina Umali at Vergara anak ni dating mayor at ngayo’y Vice Mayor Julius Cesar Vergara, ay hayagang magkalaban sa pulitika.

Ayon sa IATF at SP, lampas sa guidelInes ng national IATF ang nasabing mga hakbang ng pamahalaang lungsod.

“Sana ito na ang simula ng pagkakaisa ng lahat ng nanunungkulan dito sa Nueva Ecija at Cabanatuan. Para wala nang kampikampi o bahabahagi pa. Mas maganda at mas masarap kung pag iisahin na lamang ang pagdamay sa buong lalawigan ng Nueva Ecija ng lahat ng nanunungkulan,” sabi ng netizen na si Exekiel Santos nang makita ang larawan nina Umali at Vergara na magkasama.

Pareho naman aniyang mahusay at magaling na lingkod-bayan ang dalawa.

Nagpahayag rin ng kasiyahan ang netizen na si Annod Abongam: “Ganun sana sa gitna ng crisis isantabi muna ang pulitika, good gestures para sa ating masisipag na leader Gov Umali and Mayora Myca Vergara.”

Hiling ni Imelda Vicente: “Sana lang po kahit matapos na ang pandemic na ating kinakaharap ngayon ay patuloy pa rin po sana ang pagkakaisa at pagtutulungan sa pagitan ng ating gov. at mayora alang alang saikabubuti nating mga mamamayan.

“God bless everyone….isentro ang Diyos para sa ikakaayos ng lahat magkaisa at magmahalan,” sabi naman ni Tess Sebastian.

Ngunit si Mary Jane Tolentino ay halos hindi makapaniwala sa nakitang larawan nina Umali at Vergara.

“Totoo b nkikita q? ?,” saad niya.

Maging ang dating hepe ng Nueva Ecija provincial health office na si Dr. Benjamin Lopez ay nagpahayag ng kasiyahan: “What a sight to behold…in times of crisis, cooperation and coordination amongst all people, regardless of any political, ideological, religious, and personal differences, will help heal us as one….”

Nais namang pusuan ng academician na si Dr. Guerrero ang larawan ng pagkakaisa sa gitna ng paglaban sa pandemic: “Love the shot…More of this shot after the pandemic.

Ayon kay Fr. Arnold Abelardo, spokesperson ng IATF, naging bukas puso ang pag-uusap nina Umali at mga alkalde na dumalo sa pagpupulong “para sa kapakanan ng mga Novo Ecijanos.”

“Makikita ang pagkakaisa at pagkakaunawaan sa magandang resulta ng meeting. Kasama ang panalangin at sama samang malasakit para sa buong probinsya, nagusap, nag bahaginan, nagpakinigan ng kalagayan, nag paumanhinan, nagkaisa na magtulungan at isaisang tabi ang anumang di pagkakaunawan dulot ng politika. Salamat sa Diyos sa grasya ng kapayapaan at pagkakaisa ng aming mga leaders dito sa Nueva Ecija,” ani Abelardo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here