Ikatlong SM mall itatayo sa Bulacan

    522
    0
    SHARE
    MALOLOS CITY—Tuloy pa rin ang planong pagtatayo ng ikatlong mall ng SM Supermalsl sa Bulacan kahit naantala ito.

    Ayon kay Hans Sy, pangulo ng SM Prime Holdings, itutuloy nila sa susunod na taon ang pagtatayo ng SM Hypermart sa lungsod ng Meycauayan.

    “It is still in the pipeline,” ani Sy  ngunit binigyang diin na sa halip na ngayong taon itatayo ang SM Hypermart sa Meycauayan ay sa susunod na taon na.

    Ang pagtatayo ng SM Hypermart sa Meycauayan ay unang ipinahayag ni Sy noong Disyembre matapos ang inagurasyon ng SM City Baliuag, ang kanilang ikalawang mall sa Bulacan matapos maitayo at mabuksan ang SM City Marilao noong 2003.

    “We’ll have it in the first quarter of next year,” ani Sy sa isang pakikipanayam matapos ang paglulunsad ng Sky Garden sa SM City North Edsa nitong Lunes.

    Ayon sa mga source, ang pagkakantala ng SM Hypermart sa Meycauayan ay dahil na rin sa iba pang expansion project ng SM Prime Holdings.

    Batay sa mga impormasyong naipon ng Punto!, ang SM Prime Holdings ay patuloy sa kanilang mga expansion projects sa Tsina at sa Pilipinas.

    Sa Tsina, kasalukuyan ang development sa SM mall na itinatayo sa Chongqing, Suszhou at Zibo. Ito ay bilang karagdagan sa mga kasalukuyang mall ng SM Prime Holdings na matatagpuan sa Xiamen, Jinjiang, at Chengdu.

    Sa Pilipinas, nakatakda namang buksan ng SM Prime Holdings ang kanilang mga bagong mall sa Las Pinas, at Rosario, Cavite.

    Nakaplano na rin ang pagtatayo ng SM Commonwealth, SM San Pablo sa Laguna, at SM Tarlac, samantalang pinag-aaralan pa ang plano para sa Cabanatuan City sa Nueva Ecija.

    Kung matutuloy ang pagtatayo ng mga sangay ng SM Supermall sa Meycauayan City, Tarlac, at Cabanatuan City, magiging pito angd mall ng SM Supermall sa Central Luzon.

    Ang apat na kasalukuyang mall ng SM Supermall sa Central Luzon ay matatagpuan sa Marilao at Baliuag sa Bulacan; at sa San Fernando City-Mexico boundary, at Clark Freeport sa Pampanga.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here