Madaling lumipas ang panahon. Sa kadalian ay hindi mo naman namamalayan na nararating mo na ang mga nais mong tunguhin, natatanaw ang mga nais mong maabot at lumilinaw ang mga pangarap. Ganyan ang adhikain ng pahayagang Punto! Central Luzon.
Unang itinatag ito upang subukan ang kakaibang uri ng pamamahayag sa rehiyong sumesentro sa iisang kultura, pangarap at adhikain, ngunit kumakatawan rin sa labu-labong usapin, argumento, pasaring at mga iba’t ibang pananaw. Tumutuligsa, bumabatikos, pumupuna, nag-aaglahi. Kumukumusta, ipinagmamalaki, sinasang-ayunan, ipinakikilala, iginuguhit. Ito ang iba’t ibang mukha ng pahayagang Punto! Dito, bawat balita at opinyon ay hinihimay, pinaghihirapan, pinagpupuyatan, pinag-iisipan.
Ito ang pahayagan na kung saan ang bawat manunulat ay may layang ihayag ang nararamdamang katotohanan, kapighatian, pagka-unsiyami, panaghoy, protesta, papuri, pilosopiya, at prinsipyo. Malaya ngunit responsable, tumutulay sa mahigpit na etikong pang-akda, sumisiphayo sa mga batikos, at hinihinog ng ekperiensa.
Dalawang taon na ang Punto! At sa dalawang taon na walang puknat na pamamahayag, nakilala na rin ang pahayagang ito.
Mas lalo pang dumami ang mga tagahanga ni Bong Lacson sa “simpatico” niyang mga panulat at opinyon.
Dito nakilala ang kagalingan ni Joey Aguilar at ang kakayahan niyang pagsama-samahin ang mga bigating manunulat ng rehiyon.
Dito rin pumailanglang ang “banner king” na si Ding Cervantes, humugot rin ng maraming simpatya ang mga makabuluhang obra-panulat ni Tonette Orejas, napansin din ng husto ang mga balita at mga larawan ni Joey Pavia na nagtitingkarang katulad niya.
Napatunayan naman ni Tatang Ernie Esconde na ang edad ay simbolo ng kahusayan sa mga balitang nagmumula sa Bataan.
Sa balitang Bulacan naman ay namamayagpag ang mga panulat nina Dino Balabo at Rommel Ramos, mga bata at matatapang na manunulat.
Makakalimutan ba ang mga makatang pamamahayag ng batikang si Felix M. Garcia?;
Ang mga balita at banat ng masisipag na taga Olongapo na sina Malou Dungog at Johnny Reblando.
Maging sa bawat sulok ng Nueva Ecija ay naipaparating sa atin ni Armand Galang at Anselmo Roque.
Ang mga showbiz tsismis ni Cesar Pambid na laging inaabangan ng bawat mambabasa, at syempre, hindi rin papahuli ang mga makahulugang kontribusyon ng gobyerno na ipinapaalam sa atin ng nag-iisang si Edgardo “Edpam” Pamintuan.
Sa pangangalap naman ng mga pondo para sa Punto!, taas noo akong pupuri sa aming Marketing and Circulation Manager na si Ning Cordero. Isang babae na katumbas ng isang-daan katao ang nagagawa para sa Punto! Dahil sa kanya, patuloy na dumadaloy ang dugo upang mapanatili ang pahayagang ito. Marahil ay katumbas nga ng kanyang malaking puso (hindi timbang) ang napakarami na niyang nagawang sakripisyo para sa Punto!
At sa aming mga loyalistang empleyado na sina Ogie, Tere, Dondie at Alvin, salamat sa inyong pagsusumikap at sakripisyo. Hindi ito matutumbasan ng anumang sweldo. Sa aming founder na si Edgar Movido, salamat sa mga konsepto at sa patuloy na pag-alalay sa pahayagang ikaw ang nagsilang.
At siyempre, kay Doc Leo na siyang utak at puso ng Punto!, lubos ang aming pasasalamat sa pagtitiwala na maiaahon natin ang kagalingan ng pahayagang ito. Sana ay di ka magsawa sa iyong paniniwala at pagsuporta. Kasama na ang kanyang buong angkan, maraming salamat po sa inyong lahat.
Tungo sa ikatlong taon, lalo pa naming pag-iigihan ang aming trabaho at responsibilidad. Makakaasa kayo na sa dito sa Punto!, ang BAWAT PANANAW ay MAY KABULUHAN.