Home Headlines Ikalawang Dairy Box sa Nueva Ecija pinasinayaan

Ikalawang Dairy Box sa Nueva Ecija pinasinayaan

157
0
SHARE

LUNGSOD AGHAM NG MUÑOZ (PIA) — Pormal nang pinasinayaan ng Philippine Carabao Center (PCC) ang ikalawang Dairy Box sa Nueva Ecija, na siya namang ika-siyam sa buong Gitnang Luzon.

Ang pasilidad na matatagpuan sa Barangay Bantug sa Lungsod Agham ng Muñoz ay ipinagkaloob sa Catalanacan Multi-Purpose Cooperative (CAMPC).

Ayon kay PCC at Central Luzon State University Center Director Ericson Dela Cruz, magsisilbing one-stop-shop ang Dairy Box kung saan mabibili ang iba’t ibang produktong gawa sa gatas ng kalabaw.

“Mayroon po silang ginagawa na pastillas de leche, macaroons, mayroon din po bibingkang kanin, bibingkang gatas, and anything po na product po na gawa sa gatas po ng kalabaw,” wika niya.

Kaalinsabay ng pormal na pagpapasinaya ng Philippine Carabao Center sa ikalawang Dairy Box sa Nueva Ecija, na siya namang ika-siyam sa buong Gitnang Luzon, ang turnover ceremony kung saan ipinagkaloob ang pasilidad sa Catalanacan Multi-Purpose Cooperative. (PCC)

Ipinaliwanag din ni Dela Cruz na layunin ng proyekto na maipakilala ng kooperatiba ang kanilang dekalidad na dairy products.

Kaugnay nito, taos-pusong nagpasalamat si CAMPC Chairperson Rudy Say sa PCC at sa iba pang mga ahensiyang sumusuporta sa kanilang kooperatiba.

“Kagaya po ng PCC, tinutulungan niya po kami sa mga teknikal na pamamaraan. At yung mga taga-ibang ahensiya—DTI [Department of Trade and Industry], DAR [Department of Agrarian Reform], mga ganun—ay nagbibigay sila ng mga equipment,” pahayag ni Say.

Matapos ang pagsasaayos at paghahanda ng ikalawang Dairy Box sa Nueva Ecija, inaasahang magbubukas ito sa publiko sa ika-14 ng Pebrero ngayong taon. (CLJD/MAECR, PIA Region 3-Nueva Ecija)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here