FORT MAGSAYSAY, Nueva Ecija – Ginunita ng mga kawal ng Hukbong Katihan ng Pilipinas ang ika-36 taon ng pagkakatatag ng 7th Infantry Division (7ID) sa Camp Fort Magsaysay sa Palayan City nitong Agosto 1.
Ang paggunita ay may temang: “7ID@36th Husay at Disiplina Tungo sa Bagong Pilipinas.” Dinaluhan ito ng lahat nang mga battalion commanders, infantry brigade at ilang mga dating 7ID division commanders ng Philippine Army kabilang dito si AFP Chief of Staff Gen. Felimon Santos Jr.. Dumalo rin si at Police Regional Office 3 director BGen. Jose S Hidalgo Jr.
Dito binigyan ng mahalagang pagpupugay at pagkilala ang mga sundalo at units na may natatanging kontribusyon sa kanilang mga talento sa pagtupad ng mga tungkulin kabilang ang mga sibilyan at mga stakeholder na katuwang ng dibisyon sa pagsusulong ng magagandang adbokasiya at pangmatagalang kapayapaan sa mga kumunidad.
Pinangunahan ni Philippine Army commanding general Lt. Gen. Roy Galido, bilang panauhing pandangal, kasama sina 7ID commander Maj. Gen. Andrew Costelo, at 7ID assistant division commander Brig. Gen. Dennis Pacis.
Kinilala rin ang katapangan at kagitingan ng 18 kawal ng 7ID sa kanilang pagtupad sa tungkulin, sa pagbibigay seguridad sa mga nasasakupang komunidad mula sa banta ng CPP-NPA, pagsasagawa ng peace law enforcement and development support operations, intelligence operations at iba pa.
Binigyang parangal din ang ilang opisyales, mula sa local government units, kinatawan ng pribadong sektor at mga dating rebelde na nagbalik loob sa pamahalaan.
Sa tulong ng stakeholders, LGUs at kumunidad, mas madaling naisasakatuparan ang mga programang pangkumunidad upang makamit ang flagship na Bagong Pilipinas. Photos: PIA-Nueva Ecija