Ika-31 gobernador si Willy, hindi ika-28

    382
    0
    SHARE
    Hindi ika-28 punong lalawigan si halan na Gob. Wilhelmino “Willy” Sy-Alvarado katulad ng naunang nailathala.

    Sa halip, si Willy ay ika-31 gobernador ng Bulacan mula kay Heneral Gregorio Dela Pilar na itinalagang gobernador ng lalawigan noong 1898.

    Dahil sa pagkakamaling ito, buong pagpapakumbabang humihingi ng paumanhin ang Puntong Bulacan.

    Sa naunang balita, inilathala na si Willy ay iprinoklama noong Miyerkoles, Mayo 12 bilang ika-28 gobernador ng lalawigan matapos talunin si dating Gob. Josie Dela Cruz sa makasaysayang automated elections noong Mayo 10.

    Ang balitang si Willy ay ika-28 gobernador ng Bulacan ay batay na rin sa impormasyon nakuha sa Provincial Planning and Development Office (PPDO) noong 2005.

    Ngunit sa ayon sa pananaliksik, natuklasang may tatlo pang naging gobernador ng Bulacan na hindi nakasama sa listahan ng PPDO.

    Ang impormasyong ito ay natuklasan sa librong “Calendario Bulakenyo 900 AD-2007” na inakda ng historyador na si Jaime Corpuz ng Marilao.

    Batay tala sa librong inakda ni Corpouz, ang tatlong Bulakenyong naging gobernador ng lalawigan ay sina Javier Pabalan ng San Miguel, Regino Sevilla, at Pedro Viudez ng San Ildefonso.

    Sa panayam ng Puntong Bulacan kay Corpuz sa telepono, sinabi niya na kakaunti ang nakatalang impormasyon hinggil sa tatalong dating gobernador ng Bulacan.

    Sinabi niya na pawang panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig itinalagang gobernador ng Bulacan ang tatlo.

    “We don’t have much data on them, lalo na kay Sevilla na kahit yung bayang pinagmulan ay hindi pa natin alam hanggang ngayon, pero malaki ang posibilidad na taga-San Miguel din siya,” ani Corpuz.

    Iginiit na napapanahong ituwid ng pagkakamali at pagkukulang sa kasaysayan sa pamamagitan ng paglalathala nito upang matawaga ng pansin ng mga Bulakenyong nagmamahal sa kasaysayan, mga guro at mag-aaral ng kasaysayan at maging mga kaanak ng mga taong nabanggit.

    “Baka may makabasa na kamag-anak nila o kaya mga historians din na makapagbibigay sa ating ng dagdag na impormasyon at pagkakakilalanlan sa mga taong ito na naging bahagi ng pamamahala sa lalawigan sa nagdaang panahon,” ani Corpuz.

    Sinabi niya na mahalaga na mabigyan ng patas na pagkilala ang mga dating naging gobernador ng Bulacan upang ang kasalukuyan at susunod na henerasyon ng Bulakenyo ay makapag-pugay sa kanila.

    Hinggil naman sa mga pinagkunan ng impormasyon ni Corpuz hinggil sat along dating gobernador ng Bulacan, sinabi nikya na nagmula ito sa mga souvernir program na ipinalabas ng kapitolyo sa mga nagdaang taon.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here