Home Headlines Ika-234 kaarawan ni Balagtas, ginunita sa Bataan

Ika-234 kaarawan ni Balagtas, ginunita sa Bataan

922
0
SHARE

Pinangunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino ang paggunita sa ika-234 kaarawan ni Francisco Balagtas Baltazar sa bayan ng Orion sa Bataan. Camille Anne S. Bartolome/PIA 3


 

ORION, Bataan — Pinangunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino o KWF ang paggunita sa ika-234 kaarawan ni Francisco Balagtas Baltazar sa bayan ng Orion sa Bataan.

Nagsilbing highlight nito ang pag-aalay ng mga bulaklak sa bantayog ni Balagtas pati na rin ang pagtatanim ng mga katutubong punongkahoy at mga halaman na sumisimbolo sa pagsibol ng mga bagong makatang buhat sa inspirasyon ng kanyang panulat.

Sa kanyang mensahe, binigyang diin ng Tagapangulo ng KWF na si Arthur Casanova ang kahalagahan ng paggunita sa buhay at mga pamanang akda ni Balagtas.

Aniya, ang mga ito ay dapat pag-aralan upang mabalikan ang nakaraan sa pamamagitan ng panitikan pagkat ito ang naghuhubog sa mga pangarap, mga pangamba, mga suliranin, at mga nais marating sa hinaharap.

Dagdag pa niya, ang mga pamanang akda ay nakapagbibigay ng maraming ambag na natututunan hanggang sa kasalukuyang hinaharap na suliranin ng bawat isa.

Si Balagtas ay isinilang sa Bulacan at ikinasal sa isang dalagang nakatira sa bayan ng Orion.

Sa Bataan siya nanirahan at naging produktibo sa kanyang sining na nagsilbing inspirasyon sa ilan sa kanyang mga akda tulad ng “Florante at Laura”.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here