LUNGSOD NG MALOLOS – Isa pang bodega ng paputok ang sumabog sa Bulacan kahapon ng umaga, makalipas ang 42-oras matapos sumabog ang katulad na bodega sa bayan ng Angat noong Lunes.
Walang nasugatan sa nasabing pagsabog at ayon sa Bureau of Fire Protection ay umabot lamang sa P5,000 ang halaga ang nasirang ari-arian.
Ayon kay Liz Mungcal, hepe ng provincial disaster management office (PDMO), ang nasabing bodega ay pag-aari ni Narciso Roque, isang lisensyadong pyrotechnics manufacturer na gumagawa ng mga kwitis.
Kaugnay nito, sinabi ni Fire Supt. Absolon Zipagan, ang provincial fire marshall ng Bulacan, na kasalukuyan pa nilang tinutukoy ang dahilan ng pagsabog sa NTR Fireworks na matatagpuan sa barangay Sto. Nino, Baliuag, Bulacan.
“We are still conducting investigation,” aniya patungkol sa ikalawang bodega ng paputiok na sumabog sa lalawigan makalipas ang 42 oras matapos sumabog ang isang pang katulad na bodega sa bayan ng Angat bandang alas -6:20 ng gabi noong Lunes.
Nang tanungin kung bakit dumadalas ang pagsabog ng mga bodega ng paputok sa lalawigan, sinabi ni Zipagan na ito ay nasa pagkukulang at kapabayaan ng mga gumagawa ng paputok.
“Nasa part nila ang pagkukulang dahil lahat ng kumukuha ng fire safety (certificate) ay may pa-seminar ang mga station natin,” ani Zipagan.