Labing pitong taon na ngayon ang PUNTO
sa pagbibigay ng magandang serbisyo
isang pahayagan na naging pamoso
sa paglalahad ng balitang totoo
marketing manager JOANNA CORDERO
maaasahan sa lahat ng aspeto
Ang editor naman na si Sir BONG LACSON
hinog na sa haba’t tagal ng panahon
hindi umaatras sa anumang hamon
magmula noon at magpahanggang ngayon
saklaw ng dyaryo ang buong CENTRAL LUZON
sa pagbibigay ng mga impormasyon
Hindi lamang hinggil sa mga usapin
na pampulitika ang inihahain
ang pangkabuhayan tinatalakay din
at ekonomiya nitong bansa natin
isang halimbawa ang HOLLISTIC LIVING
nitong kolumnistang si RIZA SHANTI LIM
Ang THE PUBLIC SPACE ni Mister JUN SULA
AD LiB ni REY YUMANG na pampulitika
Si Bishop VIRGILIO DAVID ay homilya
at mga aral na galing sa BIBLIYA
ang administrador ay si MADAM IRMA
at ang manager ay si ATTORNEY ENDONA
Mga KOLUMNISTA nitong pahayagan
matuwid at pawang may paninindigan
binabatikos ang katiwalian
at pinupuri ang mga makatwiran
ang binabalita ay katotohanan
walang pinipili at kinikilingan
PUNTO CENTRAL LUZON ang balitang hatid
may mga batayan hindi mga tsismis
ang mga tema ay di paulit-ulit
kung kaya’t marami ang tumatangkilik
marami na rin ang AWARD na nakamit
dahil dyan naabot na ang seventeen years
Na anibersaryo sa pagkakatatag
ng nasabing dyaryo na walang katulad
PUNTO CENTRAL LUZON kung baga sa rosas
sariwa’t ang kulay ay di kumukupas
sa tumatangkilik, MARAMING SALAMAT
at sa tumulong na ito’y mapaunlad