SAMAL, Bataan- Hindi lamang ang mga Katoliko ang dumadagsa sa kanilang malalaking simbahan kundi maging ang mga kasapi man ng Iglesia Filipina Independiente o mas kilala bilang mga Aglipayano sa unang simbang gabi at sa susunod pang mga simbang gabi.
Puno ang maliit na simbahan ng mga Aglipayano sa Samal na napapalamutian ng nakabibighaning Christmas lights sa bungad pa lamang at sa loob mismo ng simbahan. Sa tabi ng altar ay magandang Christmas decoration din ang aakit sa mga mata.
Tulad ng mga pari sa simbahang Katoliko, isang tumatagos sa pusong homily rin ang mensahe ng paring Aglipayano bilang pagbabalik-gunita sa Unang Pasko.
Matapos ang misa, hangos ang mga nagsimba sa pagbili ng bibingka na may kasamang mainit na tsaa. Kapuna-puna rin ang masasayang nag-uumpukang mga dalagita at binatilyo.