IBUBULGAR ANG MGA BAHO NIYA
    Cristine Reyes gina-gang up ng tatlong Banana split co-stars

    544
    0
    SHARE
    Malayo na talaga’ng narating ng Cristine Versus Banana Split co-stars controversy.

    Kung tutuusin, inabot na nito ang level ng Katrina-Hayden sex video controversy dahil hindi ito tinatantanan ng maraming reporters kaya kung saan saan na ito napunta ngayon at napakarami ngang opinyon tungkol dito.

    Sa ngayon, si Cristine ang lumalabas na kontrabida dahil nga nasabay ang away sa kanyang binalak na paglipat sa GMA 7.  Ang ABS-CBN kasi ang kumupkop sa kanya sa panahong halos nasa starlet level lang siya’t doon nga sinubukang gawing reyna. Hindi ba, yung image na primadonna ni Cristine nga ang naging dahilan kung bakit halos ‘patayin’ na ng GMA 7 ang kanyang career noon?

    Sino ba naman kasi ang hindi kontrabida ang tingin kay Cristine sa mga panahong lalayasan nga niya ang isang organisasyong bumuhay sa kanyang career?

    Now that, mabango nang muli ang image niya, ayan at mag-aalsa-balutan na pala siya?

    And to give funfare sa kanyang paglayas, nag-drama pa ang Cristine na inaapi siya ng mga kasamahan sa Banana Split. Na kesyo pinagtulungan nga siya at pinagkaisahan ng mga ito at yun ay hindi na niya matiis kaya hindi na siya bumalik sa show. Pero later on, siya naman mismo ang nagsabing nagpaalam na siya kay direk Bobot Mortiz dahil nga tapos na raw ang kontrata niya with ABS-CBN.

    O di ba, lalong napahamak si Cristine?  Nagmistula siyang walang loyalty na komo expired na ng ilang araw ang contract niya, bigla na lang siyang aalis at magmamalaki sa kanila?

    May kesyo pa siyang kaya siya umalis sa Banana Split ay dahil hindi niya masikmura yung mga skit ng show patungakol kay Katrina. Na kaibigan daw niya ito at ayaw na niya itong insultuhin pa.

    Di ba mahusay si Cristine, o yung kung sino mang mga Pilato ang mga advisers niya? Akalain mo nga naman, ang ganda ng alibi sa pag-alis niya, yung kunwari ay sinusuportahan niya si Katrina Halili.

    The nerve!

    Ngayon ay tila may problema si Cristine sa GMA 7 mismo. Wala palang mga roles na malaki para sa kanya na naghihintay sa GMA 7. If at all, kontrabida roles lang ang meron, wala na!
    At malabo pa palang makalipat siya sa Siyete dahil nga yung kontrata with ABS-CBN ay nagsasaad na sila ang merong option to renew Cristine’s contract. Which means, di siya basta-basta pakakawalan ng Dos. And worse, kung sakali, itetengga siya ng nertwork.

    At parang pinagtiyap naman, parang ngayon lang nagsi-sink in sa tatlong co-stars niya sa Dos yung isyung kanilang kinasangkutan with Cristine Reyes. Ngayon lang kasi sila nagsasalita about the issue dahil nga nagsisinungaling daw si Cristine sa kanyang mga pahayag. Na ginawa raw silang kontrabida gayung si Cristine pala ang may atraso sa kanila. Kumbaga, the three are now ganging up on Cristine at meron silang kanya-kanyang istorya tungkol sa atraso sa kanila ng babaing mahadera.

    Hindi naman daw pala kay Angelica unang na-imbyerna si Cristine  kundi kay RR talaga.

    Ayon kay RR, di niya alam ang dahilan kung bakit imbiyerna sa kanya si Cristine. 

    Masasakit na text messages ang  ipinapadala ni Cristine kay RR .

    “Mabuti na lang at  mabait si RR, ayaw na lang siyang patulan eh. Katwiran niya, sa text lang naman daw siya inaaway ni Cristine. Pero kung harapan na, hindi rin daw siya uurungan ni RR,”  sabi pa ng aming source na sinabing nagpapasensiya lang si RR kay Cristine.

    Si Pokwang naman, naging emotional at nagsalita tungkol dun sa pagtawag ni Cristine sa kanya na siya ay matanda na. “Wala siyang respeto sa akin, hindi dapat na ganun ang pagtrato niya sa akin. Lahat ng staff at executives ditto sa Dos nirerepeto ako, tapos siya, babastusin niya ako,” nagpupuyos na salita pa ni Pokie.

    At si Angelica, tila iniiwasang makabangga ni Cristine. Sa lahat sa kanilang tatlo, mukhang ingat na ingat si Cristine. Pero siyempre, kung saklai, nakahanda si Angelica. Di siya basta lang papayag na awayin siya ni Cristine Reyes. Kung darating ang panahon, nakahanda raw si Angelica, di niya uurungan si Cristine Reyes.

    Ang latest nga, may mga sikreto raw si Crisitine noong active pa siya sa taping ng Banana Split at ito ay balak ibulgar ngayon ng tatlo. Ibubuking daw nila yung mga kanais-nais na pinaggagawa ni Cristine.

    Pero may pauna na ang ilang tao tungkol sa gagawin nila. Na kung sakali, baka maging underdog na si Critine at makatulong pa sa image niyang mataray yung gagawin sa kanya.
    Aba, lalabas nga namang pinagtutulungan nilang sirain si Cristine, and if this is the case, baka makakuha pa ng simpatya ng masa si Cristine Reyes.

    Oo nga naman!
     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here