Ibong dayo patuloy na nagtitipon sa bukirin, palaisdaan sa Bataan

    553
    0
    SHARE

    LUNGSOD NG BALANGA, Bataan – Patuloy na nagkukulampulan ang mga dayong ibon sa bukirin at palaisdaan malapit sa MacArthur Highway dito at sa Samal, Bataan.

    Nakawiwiling pagmasdan ang mga malalaking Egret na patuloy sa panginginain ng kulisap at maliliit na palaka sa inihahandang taniman ng palay. Namumuti ang bakanteng palayan sa mga ibon.

    Waring hindi nila alintana ang mga nagdaraang sasakyan sa highway sa bahagi ng KM 45 ng Death March Marker.

    Ang bahaging ito ng Balanga ay 45 kilometro ang layo mula sa pinagsimulan ng Death March noong World War II sa Mariveles, Bataan.

    Sa isang pinatuyong palaisdaan sa Samal ay walang hinto naman sa paglipad at pagsisid sa maliliit na isda ang mga white-winged Tern o Kanaway. Mistulang nakikipag-agawan ang mga ibon sa mga tauhan ng palaisdaan sa paghuli ng natitirang isda.

    Wiling-wili naman ang mga sakay ng isang van na huminto sa gilid ng highway sa pagmamasid sa mga ibon.

    Iba’t-ibang uri ng mga ibon na tumatakas sa lamig ng panahon sa ibang bansa ang dumarating sa Bataan simula unang linggo ng Setyembre at nananatili hanggang huling linggo ng Marso.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here