Iba ang tinitingnan, kaysa tinititigan

    753
    0
    SHARE
    Doon po sa amin may Punong Barangay
    Na matagal na ring nakapanungkulan,
    Pero minsan kahit simpleng kaso lamang
    Ay kung saan dinadala ang usapan.

    At bakit nasabi ng aba n’yong lingkod
    Ang bagay na ito? Inyong ipahintulot
    Ilahad ang ilang bagay na di angkop
    Sa pagtupad n’yan ng marapat ikilos.

    Kamakailan, isa sa aking manugang
    Ay may inilapit upang mamagitan
    Sa isang isyung hindi naman kabigatan
    Pero di nakaya nitong solusyonan.

    Kasi kung ano ang di dapat pansinin
    At pakialaman ng punong-nayon namin
    Ang pinuna – kaya humantong sa kaunting
    Pagtatalong hindi paksa ng usapin

    Kundi ang hinggil sa aming pinabakod
    Na residential lot na nakapaloob
    Sa lupa ng isa kong anak sa abroad,
    Na naipanalo sa ‘Municipal Court’.

    Laban mismo dito sa may-ari nitong
    Residential building na under construction,
    Na nag-encroached at ang bahay ipinatong
    Nila sa concrete fence, na nagsilbing firewall.

    Sa pagitan nitong bahay ng anak ko
    At ng ‘on-going’ na ‘construction’ din mismo
    Ng ‘high rise building’ ng kamaganak nito,
    Na kung saan dapat maging patas ito.

    Kaya imbes lubos mapaliwanagan
    Ang kapitbahay nitong aking manugang
    Hinggil sa kung ano ang bagay na bawal,
    Di naayos bagkus ay nagkainitan

    Sina Kapitan at ang isa kong anak,
    Kung saan pati na di karapat-dapat
    Na isyung kailangang ipanakot ni Kap,
    Sa oras na iyon sinabi at sukat.

    Na kesyo kapagka’ naging Mayor siya
    Ang bakod namin ay pagigiba niya;
    Yan sa ganang akin napakalinaw na,
    Si Kap may ugaling pagka-benggadora.

    Aba’y ni Konsehal di pa man nahalal
    Ay ganito na ang bagay na tinuran?
    Kaya pamuli mang kumandidato yan,
    Aywan kung muli pa naming ihahalal”.

    Humigit-kumulang yan ang inilahad
    Sa akin ng aking manugang at anak
    Hinggil sa bagay na ipinangangahas,
    Na di naa-ayon sa Saligang Batas.

    Pero di ba’t pagka-halal ng mga yan
    Ay pinadadalo sa mga ‘seminars’
    Upang kahit kaunti ay may matutuhan
    Para magamit n’yan sa panunungkulan?

    Kung saan marapat i-apply kumbaga
    Ang mga bagay na natutuhan nila,
    Gaya kung ano ang marapat talaga
    Upang ang anumang kaso maresolba.

    Kaya lang aywan kung may natutuhan yan
    Na gaya ng iba pang Punong Barangay,
    Pagkat baka iba ang inatupag n’yan
    Kung kaya ang dapat gampanan di alam?!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here