Home Opinion ‘IATF Resolution No. 148-B is illegal and unconstitutional’

‘IATF Resolution No. 148-B is illegal and unconstitutional’

1156
0
SHARE

ANO ba naman at sa kabila nitong
ang inilatag n’yan ay di makataong
pag-uutos at ‘grave abuse,’ depinidong
aprubado agad kay pangulong Digong?

Nasusunod pa ba ang Saligang Batas
na dapat umiral sa ganyang di hamak
nananaig itong anong nasa utak
ng kay PRRD, pasipsip at lahat?

Makatuwiran pa ba na maituturing
itong ayaw magpa-bakuna piliting
sundin ang ‘illegal’ na utos ng ating
pangulo, para lang maging masunurin?

Ano pang silbi ng ating konstitusyon
kung nang dahil lang sa maraming amuyong
na nakapaligid kay pangulong Digong,
nagagawa n’yan ang kahit na ‘unlawful’?

Batid kaya r’yan ng nakararami
na ang pikit-matang di natin pagtanggi
sa ‘marching order’ ng ating presidente,
posibleng magbunga r’yan ng pagsisisi?

Di ko sinasabing peste ang bakuna
sa buhay ng tao kundi ng ika nga
suriing maigi ang mali at tama
nang di humantong sa ikapariwara.

Kayong nakatanggap na o naturukan
nitong alin pa mang tatak nito o ‘brand,’
kung na-‘1st & 2nd doses na kayo r’yan,
huwag nang paturok ng ‘booster’ o anuman.

Pagkat si Pangulo na rin ang nagsabi
na ito umano’y di makabubuti
sa’ting kalusugan pagkat ‘bad’ ang sabi
nga mismo ng ating bibong presidente.

Kumusta na ngayon itong naturukan
na ng ‘booster’ matapos mabakunahan
nitong alin pa man ngang bakuna riyan
kundi ang malagay sa kapahamakan?

Harinawang sila ‘y pawa namang ligtas
sa disgrasya at di maging ‘victim’ lahat
ng ‘late pronouncement’ na hindi nai-ulat
ng ‘mainstream media’ nang kaagad-agad?

Base sa ‘Republic Act 11525,’
ang di ‘mandatory,’ napakaliwanag
na nasasaad at itong ayaw ay huwag
pilitin sapagkat labag nga sa batas.

Eh, itong si Digong naturingan manding
abogado at ang DOJ Sec natin
na si Guevarra ay pabor pairalin
ang ‘illegal’ kaysa dapat tangkilikin.

Kaya suma total sa ganang sarili
nating pananaw ay di ikabubuti
ng administrasyon mismo ni Duterte
ang kay ‘PAO Chief Acosta nito sinabi.

At ni Drilon, na kung saan si Acosta
sinabihan n’yan ng dapat magbitiw na,
gayong sila r’yan ang dapat sipain na
dahil di alam n’yan ang trabaho nila.

At ng kawalan din ng sapat na dunong
sa Saligang Batas kung kaya paurong
ang kabatiran n’yan sa’ting konstitusyon
na marapat sundin pati r’yan ni Digong!?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here