Huwag natin silang kalimutan

    420
    0
    SHARE
    Batay sa tala ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), 98 mamamahayag ang pinaslang sa bansa mula noong 1986 kung kailan nagbalik ang demokrasya; 62 sa mga biktima ay pinaslang mula ng maluklok si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong 2001. Sa taong ito, pito na ang pinaslang na mamamahayag sa bansa.

    Sabi ng Freedom Fund for Filipino Journalists (FFFJ), huwag natin silang kalimutan.

    Ibig sabihin, bantayan natin ang kaso ng mga pinaslang ng mamamahayag. Patuloy nating ibalita kung ano na ang mga huling kaganapan sa kanilang kaso.



    Ayon sa Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR), ipinagwawalang bahala ng mga mamamahayag at mga mamamayan ang insidente ng pamamaslang sa mga mamamaahayag.

    Simple ang basehan nila. Iilan ang pahayagaan o istasyon ng telebisyon at radyo na nagbabantay o naglalabas ng mga istorya ng pamamaslang sa mga mamamahayag.



    Kapansin-pansin nga na matapos maiuulat ang pamamaslang sa isang mamamahayag, ilang araw lang nakalimutan na ang balita.

    Ito ay dahil na rin sa halos walang mamamahayag na nagtatanong sa pulisya kung ano ang kalagayan ng imbestigasyon sa nasabing insidente, samanttalang napakaraming mamamahayag ang laging nakatambay sa mga himpilan at kampo ng pulisya?



    Ano na nga ba ang kalagayan ng kaso ng pamamaslang kay Philip Agustin ng Aurora, kay Carmelo Palacios ng Nueva Ecija, at kay Marcos Mataro ng Pampanga?

    Masyado bang abala ang mga police beat reporters sa Gitnang Luzon kaya’t hindi nagtatanong sa mga kaibigan nilang pulis hinggil sa mga nasabing kaso?



    Bukod sa pamamaslang, may ibat-iba pang banta sa pamamahayag. Ito ay ang kasong libelo, pagsasara ng mga istasyon ng radyo, at karahasan.

    Ngunit ang hindi naiuulat ay ang banta ng mamamahayag sa kapwa mamamahayag.



    Isa sa halimbawa ay ang pagbabanta sa isang mamamahayag sa Bulacan na nagsulat sa kanyang kolum hinggil sa media ethics. Isa sa tinukoy niyang kaso ay ang talamak na ‘pamamasko’ ng ilang mamamahayag sa mga opisyal sa pagpasok ng buwan ng Disyembre.

    Sa kaso naman ng correspondent ng Philippine Star sa Butuan City, nakakatanggap siya ng pagbabanta mula sa hinihinalang kapwa mamamahayag matapos niyang isulat ang isang balita hinggil sa illegal loggers na pinoproteksyunan at ginagatasan ng ibang mamamahayag.



    Ang mga insidenteng ito ay nagpapatunay lamang na mababa ang press freedom literacy partikular sa hanay ng mga mamamahayag.

    Isa rin itong indikasyon na ekonomiya sa buhay ng mga mamamahayag na karaniwang tumatanggap lamang ng ‘starvation pay.’



    Nagliwanag ang harap ng kapitolyo ng Bulacan noong Martes ng gabi matapos bukasana ng ilaw ng 45 talampakang Chrismas tree sa pangunguna ni Gob. Jonjon Mendoza at sa pakikipagtululangan ng Meralco na nagbigay pa ng P25,000 kay Mendoza.

    Isinabay din sa okasyon ang groundbreaking ng Bulacan Economic and Business Assistance Center (BEBAC). Kung magtatayo ang Tarlac ng katulad na gusali, sana ay ibang pangalan ang gamitin nila at huwag “Tarlac Economic and Business Assistance Center”. Baka malaswa ang isipin ng iba.



    Nangiti ang marami ng pangunahan ni Gob. Mendoza ang groundbreaking ng BEBAC noong Martes ng gabi.

    Anila, bakit gabi ang ground breaking? Hindi naman siguro maglalagay doon ng beerhouse.



    Hindi nagpunta si President Gloria Macapagal Arroyo sa groundbreaking ceremony ng P2-Bilyong North Food Exchange sa Balagtas, Bulacan.

    Ang pinuntahan lang niya ay ang inagurasyon sa Ospital ng Guiguinto kung saan siya ay nagdonasyon ng P10-Milyon. Sabi ng ilan, masyadong maliit ang donasyon sa rehabilitasyon ng ospital, kaya’t katatapos pa lang ng seremonya sira na ang urinal at wala pang pinto ang mga cubicle sa comfort room.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here