Huli man at magaling nakapagtakip din

    457
    0
    SHARE

    Kumbaga sa boksing, mabilis umilag
    Sa ‘ting binitiwang suntok na upper-cut
    Itong Kapitana na nakapag-‘make up’
    Nang siya’y puntahan upang magsiyasat,

    Ng isang tauhan ni Among Panlilio
    Ang construction materials na diumano
    Ay ‘inilihim’ sa nag-request po nito
    Na PTA Chairman upang masiguro;

    Na naroon nga ang gamit na naturan
    Sa dahilang July pa diniliber yan,
    Pero di sinabi liban sa principal,
    Ng napakagaling na Punong Barangay;

    Na nag-react sa ‘ting isinulat minsan,
    Gayong hindi tukoy ang kayang pangalan;
    At kung saan bunsod ng pangyayaring ‘yan
    Ay siya, sa sarili ang kusang bumigay!

    Pagkat nang mabasa nga ang isinulat
    Ng inyong ‘yours truly’ ay nag-ingay agad;
    At nasabing ang semento ay fifty bags,
    Pero itong isa’y ‘twenty five’ lang lahat;

    At talagang ipit na ang Kapitana
    Sa ‘itinago’ niyang gamit pang-eskwela,
    Kung naging maagap lamang sa tuwina
    Ang PTA Chairman sa paghalungkat niya;

    Na ang materyales matagal nang wala
    At sa ibang bagay ay nagamit na nga,
    Gaya ng anila’y personal po yata
    Na pagka-gamit o tumigas na kaya;

    Ang semento bunsod ng napakatagal
    Na pagkaka-imbak ng kung ilang buwan;
    Kaya’t sa sarili po nating pananaw
    Ay ‘bago’ na itong kay Kap ay dinatnan;

    Nitong ‘bumisita’ upang magsiyasat
    Ang taga Capitol na nag-isyu’t sukat
    Sa materyales na nakarating kay Kap
    Kung naroon pa nga o ‘sunog’ ng lahat!

    Kaya lang ng dahil na rin sa posibleng
    Nakatunog si Kap na siya’y sisisiyatin,
    Nakagawa yan ng paraan marahil
    Upang i-produce ang lahat ng nasabing;

    Construction materials bago pa dumating
    Itong sa Capitol nakatakdang manding
    Gampanan ang opisyal nitong tungkulin,
    Kaya’t “save by the bell” ang tsampyon sa galing!

    Na si Kapitana at itong Principal
    Na noong una ay alumpihit po yan,
    Sa dahilang di nila inaasahang
    Matutuklasan yang ng PTA Chairman.

    Pero kagaya nga ng ating nasabi,
    Ngayong siya at ang amiga’t kumare
    Niyang principal ay absuwelto na bale,
    Ano pa ba kundi ‘closed case’ ang nangyari?

    Subali’t kung naging mahigpit marahil
    Sa pag-imbestiga ang nag-isyu mandin,
    Ang unang bagay na kanyang mapapansin:
    Ang semento’y di na pupuedeng gamitin?

    (Pagkat sa tagal ng pagka-imbak na rin,
    Ya’y ubod na ng tigas kung paka-isipin;
    Kaya’t malinaw na masasabi nating
    Ya’y bagong bili na kung paka-suriin!)

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here