Home Headlines HS students sumailalim sa basic survival skills training

HS students sumailalim sa basic survival skills training

869
0
SHARE

MASINLOC, Zambales – Mahigit sa 100 estudyante ang sumailalim sa basic survival skills training sa pangunguna ng mga guro katuwang ang 3rd Mechanized Infantry Battalion at municipal disaster risk reduction management office na isinagawa sa Coto High School, Sitio Coto, Barangay Taltal sa bayang ito.

Ang mga estudyante ay mga boy at girl scouts ng nasabing paaralan na tinuruan ng basic life upport, tactical combat casualty care, knot-tying at water survival.

Ito ay sinundan ng praktikal na pagsasanay upang masukat ang kanilang natutunan sa nasabing aktibidad.

Nagsagawa din ng  information awareness drive at film showing activity patungkol sa pitong hakbang ng pagre-recruit ng mga terorista.

Ayon kay Lt. Col. Jeszer M. Bautista, acting commanding officer ng 3MIB, malaking  bagay na maturuan ang mga kabataan at estudyante ng mga survival skills dahil makakatulong ito sa kanilang araw araw na pamumuhay.

Binigyang diin ni Bautista na patuloy ang pakikipag ugnayan ng 3MIB sa mga paaralan sa kanyang nasasakupan upang magbigay ng tamang kaalaman tungkol sa pagre-recruit at panlilinlang ng mga terorista sa sektor ng kabataan at estudyante. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here