HR records ng mga kandidato bubusisiin

    415
    0
    SHARE
    MALOLOS CITY—Paiigtingin ng Commission on Human Rights ang monitoring sa 2010 elections at nagbabala na bubusisiin nila ang mga kandidatong lalabag sa karapatang pantao.

    “We will start once the election period begins,” ani CHR Chairperson Leila De Lima matapos ang isang public inquiry na isinagawa sa Angeles City hinggil sa diumano’y pagdukot sa  Fil-Am acivitist na si Melissa Roxas.

    Ayon kay De Lima, tututukan nila ang mga kandidato sa Abra, Mindanao, Nueva Ecija,  at ibang lalawigan sa Central Luzon, at mga lugar na idedeklarang election hotspots ng Commission on Elections (Comelec) at ng Philippine National Police (PNP).

    “Bubusisiin namin ang mga candidates na may record ng human rights violations,” ani De Lima.

    Hindi sinabi ni De Lima kung paano nila isasagawa ang pagmomonitor at pagbusisisi sa mga kandidatoi ngunit binigyang pansin niya na kakailanganin nila partisipasyon ng mga aktibong volunteers.

    Bukod dito, sinabi ni De Lima na titiyakin din nila na maiiwasan ang pagkadismasya ng mga kasapi ng tinagurian niyang vulnerable sectors sa nalalapit na halalan.

    Kabilang sa mga vulnerable sector ay ang mga katutubo, indigenous peoples, internally displaced, physically disabled, mga matatanda, migrant workers, mga bilanggo at mga boboto sa unang pagkakataon.

    Ayon kay De Lima, kailangang magsagawa ng isang malinaw na voters’ education program ang Comelec upang matiyak na maisasagawa ng mga kasapi ng vulnerable sector ang kanilang karapatang bumoto, na isa sa mga pangunahing karapatang pantao.

    “Kung yung mga dati nang bumoboto na malalakas ang katawan ay tinatayang mahihirapan sa pagboto sa automated elections, paano na kaya yung mga indigenous people, mga senior citizen, handicapped at mga first time voter,” ani De Lima.

    Kaugnay nito, sinabi ni Atty. Zoilo Perlas, ang election director sa Central Luzon at nanunuparang provincial election officer sa Bulacan na naghahanda na sila para sa pagpaparehistro ng mga bilanggo sa Bulacan Provincial Jail (BPJ).

    Sinabi ni Perlas na may karapatan pa ring bumoto ang mga bilanggo, partikular na ang mga hindi pa nahahatulan.

    Sa kasalukuyan, may mahigit sa 2,100 bilanggo sa BPJ.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here