Home Headlines HPG nagbabala vs. iligal na wangwang, blinker

HPG nagbabala vs. iligal na wangwang, blinker

1073
0
SHARE

Ilan sa mga sirena at blinkers na nakumpiska ng Highway Patrol Team-Nueva Ecija sa pamumuno ni Maj. Lester Zafra. Kuha ni Armand Galang


 

LUNGSOD NG CABANATUAN – Nagbabala ngayon ang Highway Patrol Group-Nueva Ecija sa mga motorista laban sa patuloy na iligal na paggamit ng “wang-wang” o sirena at blinkers sa gitna ng kanilang mahigpit na kampanya laban dito.

Ayon kay Major Lester Zafra, provincial team leader, bukos sa tiket at kumpiskasyon ng iligal na wang-wang at blinkers ay posibleng maharap sa multa at pagkakulong ang motorista alinsunod sa itinatadhana ng Presidential Decree No. 96 at Republic Act 4136.

“Mahigpit po nating ipinatutupad ang batas kaugnay nito at hinuhuli ang mga pasaway sa kalsada,” sabi ni Zafra.

Binanggit niya ang ilang insidente kung saan kabilang sa kanilang nakuha mula sa isang personalidad mula sa labas ng Nueva Ecija na naparaan sa lalalawigan ay blinker para sa isang malaking police patrol car.

Madalas naman aniyang ginagamit ng mga truck ang dome-type o pabilog na blinker na tulad ng sa bumbero.

“Actually, ang authorized lang pong gumamit ng blinkers ay ang ambulansiya, ang kapulisan, at kasundaluhan,” ani Zafra.

Karaniwan aniya na ang mga iligal na gumagamit ng wang-wang at sirena ay lumalabag sa iba pang batas-trapiko at “nagiging masyadong mayabang” sa kalsada na nagre-resulta sa aksidente.

“Hindi naman po kasi sila trained gumamit ng mga ito,” paliwanag ng opisyal.

Sa unang paglabag ay maaring matikitan ang motorista at makumpiska ang blinker ngunit sa ikalawang paglabag ay maaari na itong sampahan ng kaso at makulong, paliwanag ni Zafra.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here