How true??? Rufa Mae Quinto pumayag na maging third wife ng isang Muslim general

    436
    0
    SHARE
    May edad na si Rufa Mae Quinto. At her age now, puwedeng sabihing lampas na siya sa edad na dapat sana’y may asawa na siya. She must be nearing 40 years old now sa’ming kuwenta.

    Kung saan saan din nagpaikot-ikot ang lovelife ng bobita star. Kung sino-sinong lalaki na ang naka-live in niya at ilan din ang mga pulitikong napatsismis sa kanya.

    Yung iba naman, sinasabing nag-iimbento raw si Rufa ng mga lalaking ini-link sa kanya noon. Kumbaga, siya raw mismo ang gumigimik na si ganyan at ganitong lalaki ay ka-on niya.

    Heto na nga ngayon, naragdagan na naman ang mga gimik sa buhay ni Rufa Mae.

    Ikinasal na raw siya sa  sa isang Muslim general?

    Ang siste pa, hindi raw pabor ang second wife ng Heneral kay Rufa Mae bilang ikatlong asawa ng heneral.

    Ayaw namang magbigay ng comment ni Rufa Mae about the wedding.

    Dedma lang ito at naka-focus ang attention sa mga project na ginagawa sa GMA-7 at sa nalalapit na showing ng kanyang movie.

    Well, kung totoo nga nagpakasal na si Rufa Mae, walang masama dahil dalaga naman siya and she deserves to be happy.

    Kung nagpakasal na nga siya sa isang general na may dalawa nang asawa, wala ring problema dahil sa religion ng Muslim ay puwedeng mag-asawa hanggang tatlo basta kaya rin lang sustentuhan ang mga ito.

    But still, wala pa ring kumpirmasyon si Rufa Mae.

    At hanggang hindi umaamin ang sexy actress, mananatiling tsismis ang pagkakasal nito sa isang Muslim general.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here