YAN ANG katanungan hinggil kung gaano
katibay at ligtas ang tinitirhan ko
o ang iyong bahay kung matatag ito
laban sa lindol at malakas na bagyo.
Kabilang ang paksang ito sa buwanang
‘Press conference’ at/o “Regular Kapihan”
ni Mayor Santiago nitong nakaraang
araw ng Miyerkoles sa kanyang tanggapan
Kaugnay ng programang pangkaligtasan
ng butihing Mayor sa nasasakupan,
na kung saan yan ay bilang kahandaan
sa ‘disaster’ na dulot ng kalikasan
Ang ‘City Engineer’ ay inatasan niya
upang bisitahin ang bawat pamilya,
(partikular itong nasa ‘depressed area’
na ‘informal settlers’ pa rin itong iba)
At tingnan kung anong klasing istraktura
mayrun ang bahay na tinitirhan nila;
(Na isa sa kanyang magandang adyenda
ang ya’y personal na masuri talaga).
Gaya halimbawa kung yan ay kongkreto,
titingnan ang bakal na ginamit dito
kung tama ang laki at ilang piraso
ang inilagay sa bawat poste nito.
Sapagkat depende sa liit at laki
ng bahay ang dapat ilagay parati,
Kung ‘undersize’ at medyo mahinang klase
ay mapanganib sa nakatira pati.
At natural lang na madaling mawasak
ang istraktura nito sa isang iglap,
kapag niyugyog ng lindol na malakas
o kaya bumagyo ng napakalakas.
Ganun din naman ang yari lang sa kahoy
bagama’t ito ay matatag sa lindol,
kaysa gawa sa ‘hollow block’ o kongkretong
bahay na mahina ang kanyang pundasyon.
Kung kaya sa puntong yan ay minarapat
ng kagalang-galang na Ama ng Siyudad,
na ipabatid sa buong komunidad
ang kahalagaan ng ibayong ingat
Sa lahat ng oras laban sa anumang
panganib na dulot nitong kalikasan,
sapagkat iba na ang may kahandaan
sa anumang kalamidad na daratal.
Ang ‘Disaster Consciousness Month Activities’
na inilunsad sa lungsod noong Lunes,
ay isang bagay na lubhang ‘informative’
para makaiwas tayo sa panganib.
Dala na rin nitong kung tayo ay handa
laban sa anumang di inaakala
nating sa atin ay posibleng tumama,
‘Safe’ tayo lagi sa anumang pinsala.
Dahilan na rin sa ang may kahandaan
lalo pa’t sa bagay na pangkagipitan,
ay ligtas sa anumang kapahamakan
ang buhay nito at mga ari-arian.
Kaya naman lahat ng pagsisikap
ay ginagawa r’yan nang ngayo’y city Dad,
ng San Fernando (P) upang maging ligtas
ang kanyang ‘constituents’ sa lahat ng oras.
Katuwang ang lahat ng ‘heads of department,’
Active officials of the city government,
Private sectors and other concerned citizens,
EdSa works hard for his city development