Home Headlines Honest basurero: Alahas na napulot, isinauli sa may-ari

Honest basurero: Alahas na napulot, isinauli sa may-ari

703
0
SHARE

Ang basurerong si Pedro Bautista (kanan) habang pormal na ibinabalik sa pamamagitan ni kapitan Tom Reyes (gitna) ang mga alahas ni Rhella Estrella (kaliwa). Contributed photo


 

LUNGSOD NG MALOLOS — Sa kabila ng hirap sa buhay ay hindi natukso na angkinin ng isang basurero ang napulot na kahon ng mga alahas habang nagbubungkal ng basura sa Barangay Caingin nitong Sabado.

Ang basurero ay nakilalang si Pedro Bautista at todo ang pasasalamat sa kanya ni Rhella Estrella na may-ari ng napulot na mga alahas dahil agad itong naibalik sa kanya.

Kwento ni Estrella, ipinatong niya ang kahon sa harapan ng tindahan niya at ibebenta kasi ito online.

Ngunit di sadya na naitapon ito ng kanyang ina sa basurahan at nataon naman na koleksyon noon ng basura ng barangay.

Naluha na daw siyang naghalughog sa kabahayan ngunit hindi makita ang kahon hanggang pumunta ang taga-barangay sa kanya at pinapakuha ang mga alahas na nasa barangay hall 

Ayon naman kay Bautista, nagbubungkal sila noon ng basura at nakita ang kahon na naglalaman ng mga alahas.

Sa halip na interesin ay agad niya itong dinala sa barangay hall at ipinagkatiwala sa kapitan para maisoli ito sa may-ari na nandoon ang pangalan at address sa kahon.

Dahil dito, binigyan ng pabuya ni Estrella si Bautista ngunit hindi ito tinanggap ng basurero dahil nais lamang daw niya talagang tumulong kaya isinoli ang mga alahas.

Todo-todo naman ang pasasalamat ng online seller sa basurerong may ginintuang puso.

Ayon naman kay barangay chairman Tom Reyes, maraming beses nang nakakapulot ang mga garbage collector nila ng mga gamit gaya ng cellphone at naibabalk naman sa naghahanap na may-ari.

Subok na daw niya ang katapatan ng mga garbage colllector sa kanilang barangay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here