Home Headlines Hog traders kinastigo ni Dar

Hog traders kinastigo ni Dar

903
0
SHARE

TALAVERA, Nueva Ecija — Kinastigo ni Agriculture Sec. William Dar nitong Martes ang ilang negosyante ng karne na nagpapakalat ng African swine fever (ASF) dahil sa patuloy na pagbebenta ng apektadong karne o baboy.

“Sana makunsensya kayo,” sabi ni Dar sa mga hog trader matapos manguna sa inagurasyon ng Education Farm (EduFarm) para sa hybrid na binhi sa Barangay Homestead II ng bayang ito.

Ipinunto ni Dar na lahat ng kaso ng ASF, kabilang na ang mga bago ay bunga ng mga ipinagbibili na apektadong baboy at mga apektadong karne na ginawang pakain.

“Yung mga food waste na pinapakain sa mga baboy ay galing dun sa apektado na kinain pa rin,” ani Dar.

Binanggit niya ang insidente ng ASF sa San Marcelino, Davao Occidental kung saan may mga residente di-umano na nag-uwi ng karne. “Nung Disyembre ay umuwi sila. One theory, nagdala po ng mga karne-karne at doon nag-umpisa,” sabi niya.

Matatandaan na kamakalawa ay mga siomai naman na apektado di-umano ng ASF mula sa Bulacan ang nasamsam ng mga awtoridad.

Ganuon rin aniya ang nagyari sa Pangasinan. “Galing sa ibang probinsiya whether nagbigay ng hogs o nagkatay ng hogs at ibinenta yung karne sa Pangasinan. Ganundin sa Benguet, ganun din sa Tabuk, sa Isabela, doon sa Camarines Sur,” sabi ni Dar.

“Ang problema ngayon ay yung mga hog traders na nagbebenta ng mga apektadong baboy,” sabi niya. “Sana makunsensiya kayo.”.

Buo naman aniya ang suporta ng pamahalaang nasyunal.upang matulungan ang mga apektadong hog raisers.

Katunayan, sabi ng kalihim, ay dinagdagan ang kanilang quick response fund na ginawang P1.5 bilyon mula sa dating P1-bilyon.

“Pero ang aming muling panawagan ay masusugpo po natin ito. Lahat sana tayo ay Pilipino lahat makipagtulungan na. Huwag na nating ibenta yng may sakit na na baboy. Huwag na nating katayin yung may sakit na na baboy at ibenta pa yung karne, “ sabi pa niya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here