Home Headlines Hog raisers na naapektuhan ng ASF tinutulungan

Hog raisers na naapektuhan ng ASF tinutulungan

722
0
SHARE

Iniaabot ni Mayor Maria Angela Garcia (pangatlo mula sa kanan) anfinancial assistance sa isang hog raiser na naapektuhan ng africaswine fever. Photo courtesy of municipal administrator Rollie Rojas



DINALUPIHAN, Bataan
Mahigit 600 hog raisers dito na naapektuhan ng African swine fever ang nakatakdang tulungan ng Department of Agriculture sa programa nitong ASF Indemnification Program.

Sinabi ni Mayor Maria Angela Garcia na ang first batch na binubuo ng 262 backyard raisers ay nagsimula nang makatanggap ngayong Biyernes ng financial assistance na P5,000 sa bawat na-cull o pinatay na malaking baboy.

Bago dumating ang coronavirus disease, ay inatake muna ng mapaminsalang ASF ang mga baboy sa 11 bayan at isang lungsod ng Bataan.

Ayon kay Garcia, mahigit 3,000 malalaking baboy sa loob ng isang kilometro ang nade-populate sa Dinalupihan.

“Ïto ang pinakamahirap na pinagdaanan ng mga nag-aalaga ng baboy sa ating bayan at marapat lamang na mabigyan sila ng tulong,” sabi ng mayor.

Sinabi ni Rollie Rojas, municipal administrator, na 618 ang lahat ng hog raisers na naapektuhan ng ASF sa Dinalupihan na aabot sa P16 milyon ang halaga ng financial assistance.

Simula ng pandemic hanggang ngayon ay patuloy naman, sabi ng mayor, ang animal dispersal ng Dtulad ng kalabaw, baka, sisiw, kambing, at itik bilang alternative livelihood ng mga tinamaan ng ASF.

“Hopefully, ang batch 2 at 3 sa Dinalupihan at ang iba pang apektado sa ibang bayan ay sunod-sunod na ring mabigyan ng financial assistance,” dagdag pa ni Garcia.

Umaapela umano siya sa Agriculture department bilang pangulo ng League of Mayors sa Bataan na isunod na rin ang pagbibigay ng ayuda sa ilalim ng ASF Indemnification Program sa iba pang mga bayan sa lalawigan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here