Hog farm na na-quarantine, magbebenta na ng baboy

    373
    0
    SHARE
    MALOLOS CITY, Bulacan – Posible ng magbenta ng baboy sa pamilihan ang isang hog farm sa bayan ng Pandi, Bulacan na sumailalim sa quarantine nang kamakailang matuklasang may Ebola Reston Virus ang ilan sa mga alagang baboy dito.

    Ito ang inihayag ni Bulacan Governor Jon-jon Mendoza sa isang interview ng PUNTO.

    Ayon kay Mendoza, batay sa kanilang pakikipag-pulong sa Bureau of Animal Industry (BAI), papayagan ng magbenta ng baboy anomang oras ang hog farm na sumailalim sa quarantine.

    Ani Mendoza, napapanahon namang ibenta na ang mga baboy sa Pandi Bulacan lalo na at tumataas ang bentahan ngayon ng karneng baboy sa pamilihan.

    Wala naman aniyang dapat ikatakot ang publiko dahil maging ang dalawang manggagawa sa Bulacan na natuklasang positibo sa Ebola Reston Virus ay hindi nakakahawa at hindi nagkasakit.

    Matatandaan na una ng pinahayag ng Bulacan Provincial Health Office na ligtas kainin ang mga karne ng baboy na magmumula sa mga hog farms sa Bulacan.

    Ayon Bulacan Provincial Health Office, ligtas kainin ang karne ng baboy bastat siguruhin lamang na naluto itong mabuti at dumaan sa 70 degrees centigrade na pagpapakulo ng tubig.

    At anila ang mga manggawang nagpositibo sa ebola reston virus ay naanalisa bilang isang anti-body o nagdeveloped bilang pangontra laban sa naturang sakit.

    Bukod dito ay ginarantyahan din ng Bulacan Provincial Health Office na wala pa silang teoryang natutuklasan o nagpapatunay na naisasalin ang sakit na Ebola Reston Virus ng tao patungo sa isa pang tao.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here