KUMPIRMADO na tatakbo ang negosyanteng si Lolita Hizon bilang bise-alkalde ng Bacolor, ka-tandem ang kanyang anak, si Mayor Jomar Hizon.
Anyare? Dala ng galit kay Vice Mayor Jun Canlas dahil lumipat ito sa kampo ng nagbabalik na mayor na si Buddy Dungca at dahil walang kakalaban kay Vice Mayor Jun, isasabak ni Mrs. Hizon ang sarili bilang “alternative candidate,” sabi ni Mayor Jomar nang ako ay tawagan niya noong Sabado pagkatapos magdesisyon ang kanyang ina.
Kaya pa bang sumabak sa pulitika ni Mrs. Hizon sa kabila ng kanyang edad, 75, at kalusugan?
Ang sabi ng Mayor Jomar: “Hindi siya ulyanin. She’s lucid.”
Ang sabi ni Mrs. Hizon: “I have no choice but give Bacolor a choice.” Pampanga’s Best to the rescue!
Kaya ang labas nila: Tambalang Hizon-Hizon! At the onset, talagang mahihirapan ang Buddy-Jun tandem.
Kanino kaya kakampi ang mga Pineda?
q q q
Sa Aug. 12 raw ay magdedeklara si City of San Fernando Mayor Oscar Rodriguez ng kanyang gubernatorial plan.
Sana totoo. Pero si Mayor Oca ang nagsabi: Wrong report yan.
Mukhang wala talagang makakatunggali si Governor Pineda.
Pero kinukumbinse pa rin daw ni Budget Secretary Butch Abad si Among Ed na tumakbo ulit kung ayaw ni Mayor Oca.
Ayaw ni Apu Ceto yan!
q q q
Bilib ako kay Cannes best director Brillante “Dante” Mendoza. Pinili niya na sa SM City Pampanga ganapin ang Philippine premiere ng pinakabago niyang obra, ang “Captive.” Ito ay kwento ng paghihirap ng American missionaries Gracia at Martin Burnham at mga Pinoy hostages habang nasa kamay ng mga teroristang Abu Sayyaf sa Mindanao.
Bakit Pampanga? Sagot ni Direk: “Kasi mahal ko ang ating probinsya.”
Kahit pala kabi-kabilang pagkilala at gawad ang kanyang tinatanggap sa iba’t ibang bayan, hindi pinuputol ni Direk ang ugnay niya sa Pampanga, lalo na sa Barangay San Isidro sa San Fernando kung saan siya ipinanganak at nag-aral hanggang hayskul. Kahanga-hanga ka Direk!
Sept. 2 ang premiere sa cinema ng SM City Pampanga. Dumating kaya ang leading actress na si Isabelle Huppert?