Ang suwerte naman nitong napagbigyan ng kontrata para gawing RESTORAN ang ADMIRAL GUEST HOUSE na matagal ng ginamit ng mga sundalong Amerikano, panahon pa ng SUBIC NAVAL BASE at isa sa mga itinuturing na HISTORICAL LANDMARK ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).
Kung hindi ako nagkakamali, taong 2004 ng unang pagplanohan din itong gawing Café Bar and Restaurant at ang ipapangalanan sana dito ay PIGARRO CAFÉ, at nagpasa pa ng Resolution ang Olongapo City Council para lamang matuloy ito, subalit marami ang tumutol dito, kung kaya hindi naisagawa ang plano. At ito na naman at ayos na daw ang lahat, at wala ng makakapigil sa plano. Talaga lang ha???
Batay sa impormasyon ng CASTIGADOR mga dating BOARD of DIRECTORS ng SBMA ang nag-aproba para mapasakamay ito ng isang nagngangalang “JAYLO” na malapit sa kusina na hindi umano mapapahindian ni SBMA Aministrator ARMAND ARREZA.
Ganun nga ba? Aba matindi, lahat ng hinihiling ibinibigay.
Ang ADMIRAL GUEST HOUSE noong panahon ng nandito pa sa Subic Bay ang mga Amerikano ay ginagamit itong lugar para diyan magpulong ang mga matataas na opisya ng NAVY hanngang sa tuluyan itong iniwan ng sila ay mag-pullout noong 1991 ng sumabog ang Mt. Pinatubo. At ginamit na rin yang lugar sa pagpupulong ng SBMA at alam niyo yan at sa isang iglap gagawin RESTORAN.
Sa lugar na yan diyan din matatagpuan ang TAPAN PARK at na siyang malimit na gawing pasyalan ng ating mga kababayan.
Tanong ng taumbayan, ano kayang hangin ang pumasok sa mga kukute ng mga nag-aprobang mga SBMA Board of Directors.
Hindi ba ang ADMIRAL HOUSE ay inihahalintulad ito sa MALACAÑANG PALACE na tahanan ng Pangulo ng Republika ng Pilipinas, at nag-iisa na lamang itong HISTORICAL LANDMARK na natitira sa SBMA anong klaseng mayroon tayong pag-iisip, ha! Ha!
Tiyak kapag naging na RESTORAN na yan, mawawala na sa ayos at mababahura ang lugar, sa una siguro at kapag tumagal na aywan ko lang.
Isa pa, naka-amba na rin ang gagawing rally ng mga negosyante sa labas ng SBMA kapag ipinagpatuloy sa susunod na taon ang gagawing AYALA MALL, Phase 1 and Phase 2, na siyang magpapabagsak sa negosyo sa labas ng Olongapo.
Abangan ang lahat ng iyan at hindi ito makakaligtas sa gagawing pagbubunyag ng CASTIGADOR kung sino-sino na naman ang mga nasa lokod nito.
Hindi tutol ang CASTIGADOR sa gagawing pagpapaunlad lalo na kung ito ay may kinalaman sa kalakalan, pero sana naman tingnan muna natin ang magiging epekto nito sa taumbayan bago natin ito gawin.
Abangan ang lahat na iyan.