Hinoldap na, hinalay pa

    375
    0
    SHARE

    OLONGAPO CITY— Kalaboso ang sinapit ng dalawang kalalakihan matapos masakote ng pulisya, makaraang holdapin at saka gahasain umano ang isang bargirl sa Barangay Barretto, Olongapo City.

    Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Rodney Mendoza, 23, ng Abad Compound, Burgos St., at Ronaldo Abad, alyas Ando, 42, ng No. 48 Rizal Extention pawang sa Barangay Barretto.

    Sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-3 ng madaling araw, naglalakad papauwi galing sa Wet Spot Bar ang biktimang itinago sa pangalang Linda, 32, nang sundan ito ng mga suspek sakay ng single motorcycle at saka nagdeklara ng holdap.

    Matapos na holdapin ang biktima, dinala ito sa madilim na lugar sa Abra St. ng suspek na si Mendoza at saka doon umano nito isinagawa ang panghahalay.

    Sa isinagawang follow-up ng pulisya, naaresto ang mga suspek kung saan narekober sa pag-iingat ni Mendoza ang isang homemade caliber .38 revolver na may dalawang bala at mga personal na kagamitan ng biktima.

    Nakuha din sa pag-iingat ni Abad ang ibat-ibang drug paraphernalia.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here