MALOLOS CITY—Kinarit ni Kamatayan ang isang hinihinalang kasapi ng carnapping syndicate matapos siyang pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay sa motorsiklo sa lungsod na ito kamakalawa ng gabi.
Ang biktima ay nakilalang si Odilon Filoteo, 34, tubong Hagonoy ngunit nakatira sa Barangay Look 1st ng lungsod na ito.
Ayon kay Supt. Baltazar Mamaril, hepe ng pulisya ng Malolos, ang biktima ay pinagbabaril hanggang mapatay sa loob ng kanyang bakuran ng dalawang hindi pa nakikilang mga suspek na nakasakay sa motorsiklo at agad na tumakas bandang alas 8:30 noong Lunes ng gabi.
Agad na namatay si Filoteo dahil sa dami ng tama ng bala sa kanyang katawan.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, posibleng may kaugnayan sa mga nakawan ng motorsiklo sa lungsod na ito ang pamamaslang.
Ito ay dahil sa natagpuan ng pulisya mula sa bakuran ng biktima ang mga motorsiklong walang plaka at mga piyesa nito.
Iniulat pa ng pulisya na walang kaukulang business permit ang biktima, at sa kanyang bahay lamang nagbebenta ng motorsiklo at mga piyesa.
Bukod dito, natuklasan ding may kaso ng nakabinbin si Filoteo sa Regional Trial Court (RTC) Branch 7 kaugnay ng diumano’y panghoholdap sa isang Indian National sa bayan ng Hagonoy noong nakaraang taon.
Si Filoteo ay pansamantalang nakulong sa Bulacan Provincial Jail, at nakalabas lamang matapos magpiyansa.
Ayon kay Mamaril, kinausap na rin ng mga imbestigador ang live-in partner ni Filoteo na si Bambi Catan, ngunit wala itong masabing posibleng suspek.
Samantala, nakarekober din ng pitong basyo ng bala mula sa kalibre .45 pistola ang pulisya, bukod sa apat na slug na nakuha sa crime scene.
Natagpuan naman ng pulis ang dalawang itim na Honda motorsiklo na walang plaka at isang pulang Mio motorcycle na may plakang PF 9073 mula sa bakuran ng biktima.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya.