Hindi tutulad kina Tatay at Lolo

    227
    0
    SHARE

    Tahimik pala si Julian Estrada. Nakapanayam naming ang binata at malayo ang ugali nito sa amang si Sen. Jinggoy Estrada at lolong si Mayor Erap Estrada na makuwento at palabiro sa mga tao. Kungsabagay, bata pa lang naman kasi si Julian at darating din ang panahong magiging katulad siya ng kanyang lolo at ama na magiging malapitin sa tao.

    Pero ngayon pa lang ay sinabi ng young actor na hindi raw siya tutulad sa mga ito pagdating sa pakikitungo o pakikipagrelasyon sa babae. May sarili raw siyang diskarte na puwedeng maka-attract ng girls. Sabagay, itsura pa lang ni Julian ay puwede na siyang pagkaguluhan ng mga kababaihan.

    Ang ganda ng kanyang mga mata na posibleng makapang-akit ng mga lahi ni Eba. Ngunit aniya , wala muna siyang panahon sa pakikipagrelasyon ngayon after ng sa kanila ni Julia. Pokus muna siya sa pag-aaral. Maging pag-aartista niya ay hindi pa rin niya masyadong ipu-push dahil mas uunahin niya muna ang kanyang pagaaral.

    Bagay na gustong mangyari ng kanyang mga magulang. Samantala, naging kontrobersiyal si Julian kamakailan nang mabanggit niya sa presscon ng kanilang pelikula na Relax, It’s Just Pag- ibig (na palabas na ngayon sa mga sinehan) na nagkaroon sila ng relasyon ni Julia Barretto na tumagal daw ng anim na buwan.

    May tsika na diumano’y pinapabawi kay Julian ng Star Magic ang sinabi niyang ito. Pero bago pa man ito, humingi na raw siya ng paumanhin kay Julia at sa ina nitong si Marjorie Baretto. “I had to say sorry to Julia and to Tita Marj.

    Nagkausap na kami. “After the presscon, tinext ko po siya and I said sorry, ‘Sorry, nasama ka sa presscon kahit di ka kasama,” sabi pa ni Julian. Ang sabi raw ni Julia nang makausap niya ito ay bakit daw niya ito ginawa. Sumagot naman si Julian na gusto lang daw niyang maging honest.

    Sabi pa ng binata, aayusin daw niya ito kahit marami ang nagsasabing huwag na dahil nagsabi lang naman siya ng totoo. Natatawa pa ring ibinalita ni Julian na okey sila ni Julia pagkatapos ng pangyayari at tinanggap naman ang sorry nito ng dalaga. Nilinaw din niyang hindi totoo ang lumabas na balitang galit sa kanya si Marjorie.

    Sa kuwento pa niya, hindi raw totoo na pinapabawi ng Star Magic ang sinabi niyang nagka-relasyon sila ni Julia.

    Maayos daw ang lahat.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here