Hindi pagkilos ng Pyro Regulatory Board, binatikos

    348
    0
    SHARE

    LUNGSOD NG MALOLOS – Binatikos ng mga mangagagawa ng puputok sa Bulacan ang hindi pagkilos ng Pyrotechnics Regulatory Board (PRB) samantalang nalalapit na ang Pasko at Bagong Taon.

    Ito ay dahil na rin sa magkakasunod at hiwa-hiwalay na inspeksyong isinagawa ng ibat-ibang ahensiya ng gobyerno sa mga pabrika at tindahan ng paputok sa lalawigan.

    Kabilang dito ang napapadalas ng inspeksyon ng Bureau of Fire Protection (BFO) na nagsusuri sa fire safety ng mga tindahan, ngunit hindi nauusig ang mga ilegal na paputok.

    Ayon kay Celso Cruz, president emeritus ng Philippine Pyrotechnics Manufacturers and Dealers Association Inc., (PPMDAI), dapat ay magkakasama ang pulisya, BFP, Department of Trade and Industry (DTI), PPMDAI, PRB, Department of Health (DOH), pamahalaang lokal at local disaster council sa pagsasagawa ng inspeksyon.

    Ito ay upang ang lahat ng suliranin sa mga tindahan at pabrika tulad ng fire safety, smuggled, sub-standard at mga ilegal na paputok na masuri agad at makumpiska upang hindi na maibenta at maging sanhi ng pagkasugat ng mga magpapaputok.

    Ngunit hindi ito nangyayari dahil sa hanggang kahapon ay hindi pa kumikilos ang PRB, na ayon kay Cruz ay dapat siyang manguna.

    Ayon naman kay Liz Mungcal, hepe ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO), sa Disyembre 19 pa sila makikipagpulong sa mga bumubuo ng PRB.

    Ngunit para sa mga kasapi ng PPMDAI, huli na ang pagsasagawa ng nasabing pulong, dahil anumang oras ay maaaring magkaroon ng insidente ng mga pagsabog sa mga tindahan tulad sa mga nagdaang taon.

    Kaugnay nito, ikinagalak ng PPMDAI at iba pang manggagawa ng paputok ang paglulunsad ng kampanyang Aksyon Paputok Injury Reduction (APIR) ng DOH dahil sa umaayon ito sa kanilang kampanyang “Ingat Paputok.”

    Sa mga nagdaang taon, isinagawa ng DOH ang kampanyang “Iwas Paputok” na tinutulan ng PPMDAI dahil sa ito ay hindi ayon sa itinatakda ng Republic Act 7183 o ang batas para sa regulasyon ng paggawa, pagbebenta at paggamit ng mga paputok.

    “Finally, hindi na kontra ang kampanya ng DOH sa aming kampanya,” ani Cruz.

    Iginiit niya na ang dating kampanya ng DOH na Iwas Paputok ay hindi epektibo dahil sa kabila nito ay marami pa rin ang naitalang nasugat sa paggamit ng paputok sa mga nagdaang taon. 

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here