Magkahalong emosyon ang ipinakita ni incumbent Bulacan Gov. Joselito Mendoza hinggil sa kanyang pagwawagi sa halalan bilang kongresista.
Dahil kaya ito sa pagkatalo ng kanyang kapatid na si dating Gob. Josie Dela Cruz o dahil sa hindi pa kumpleto ang kanyang tagumpay dahil may hinaharap pa siyang kaso ng diskwalipikasyon?
Sa panayam kay Mendosa ilang minuto ang papoproklama sa kanya noong Miyerkoles ng gabi sinabi niya na ikinagagalak niya ang kanyang pagwawagi bilang kongresista ng ikatlong distrito ng Bulacan.
Nagpasaring din siya sa kanyang katunggali na diumano’y namili ng boto.
Ngunit ayon sa kampo ni San Rafael Mayor Ricardo Silverio na nakatunggali ni Mendoza, ang kampo ni Mendoza ay nagbuhos ng napakalaking halaga sa kanilang distrito noong bago maghalalan.
Si Mendoza ay nakaipon ng kabuuang botong 121,576 kumpara sa naipong boto ni Mayor Silverio na 92,951 sa halalan noong Lunes.
Si Mendoza ay iprinoklama ng Provincial Board of Canvassers noong Miyerkoles ng gabi.
Hinggil naman sa kauna-unahang pagkatalo ng kanyang kapatid na si dating Gob. Josie Dela Cruz, sinabi ni Mendoza na “talagang ganyan sa bawat laban, may nananalo at natatalo.”
Si Dela Cruz ay nakaipon lamang ng botong 492,468 kumpara sa naipong boto ni Alvarado na 533,527.
Ito ang kauna-unahang talo ni Dela Cruz sa kanyang karera sa pulitika na nagsimula sa bayan ng Bocaue noong unang bahagi ng dekada 80
Dahil naman sa pagwawagi, nanatili walang talo si Alvarado sa bawat halalang nilabanan mula ng italagang alklade ng bayan ng Hagonoy noong 1986.
Para naman sa historyador na si Jaime Corpuz, ang panalo ni Alvarado kayy Dela Cruz ay isang pag-uulit ng kasaysayan.
Ito ay dahil sa noong huling bahagi ng dekada 50 at tinalo ng nanunuparang gobernador na si Tomas Martin ng Hagonoy ang yumaong si Erasmo Cruz ng Bocaue na noo’y kongresista ng Bulacan.
Samantala, sinabi ng kampo ni Silverio na hindi pa tapos ang laban ni Mendoza dahil may hinaharap pa itong kaso ng diskwalipikasyon na isinampa ng limang senior citizen ng bayan ng San Miguel.
Ayon sa limang senior citizen, hindi nakatira sa San Miguel si Mendoza kaya nila ito sinampahan ng kasong diskwalipikasyon dahil hindi nito natupad ang one year residency requirement para sa isang kandidato.
Batay sa mga dokumentong inihain ng mga senior citizen, itinala ni Mendoza sa kanyang Certificate of Candidacy (COC) noong Nobyembre 30 na siya ay nakatira sa Brgy. Tartaro, San Miguel, Bulacan.
Ngunit batay sa dokumentong nilagdaan at isinumite ni Mendoza sa Korgte Suprema noong Pebrero 11, isinasaad nito na si Mendoza ay nakatira sa Brgy. Duhat, Bocaue Bulacan na nasa loob ng ikalawang distrito ng Bulacan.