Home Opinion Hindi na marahil

Hindi na marahil

934
0
SHARE

SA TANTYA n’yo kaya ay makakaya pa
ni Pangulong Digong na matuldukan niya
ang problema hinggil sa bawal na droga
bago sa Palasyo makababa siya?

Kung kagaya nitong patapos na halos
ang ‘midterm’ ng kanyang sa puesto pagluklok
ay di pa rin niya nagawang madurog
itong ala kartel ng bawal na gamot.

At kahit isama ang ‘3 years’ at apat
na buwang natitira – gaya nang lumipas
na ‘2 years and 8 months,’ ating tinitiyak,
‘yan ay di pa rin niya mabigyan ng lunas.

Sanhi ng posibleng malalaking tao,
na may kakutsaba sa gobyerno mismo,
ang nasa likod ng ganitong negosyo
kung kaya di basta matuldukan nito.

At kahit Santo ang sa Bureau of Customs
ipuesto marahil ni Pangulong Digong
‘yan ay pikit matang kakagat sa suhol
kaysa malagay sa gipit na situasyon.

Bunsod ng kapagka hindi nakisama
sa anomaly r’yan, alin sa dalawa –
lalabas ng buhay na nakakurbata
o ang butas n’yan ng ilong may bulak na?

Tayo man ba ito ang sa siyang lumagay
sa katayuhan ng sa Customs ay bantay,
ang sarili natin ay di ilalagay
sa peligro at/o puedeng ikamatay!

IBA’-IBANG klase na r’yan ng sistema
itong umiiral sa ngayon – at isa
ang pamamaraang ‘yan sa dagat nila
ipana-aanod ang bawal na droga.

Na nakasilid sa plastik na lalagyan
ng basura at/o sako ng bigas lang;
at kung saan ito ay inaabangan
sa laot ng kung sinong ‘consignee’ bilang.

Sa puntong naturan kahit di sa Custom
ay madali nilang maipuslit itong
anumang iligal at/o kontrabadong
dito sa atin ay talamak na ngayon.

Kaya, kung di rin lang tutukan ng husto
ni Pangulong Digong ang kampanya nito
laban sa anumang ilgal na bisyo
at iba pang bawal, ang labas ‘ground zero’.

O animo’y bale wala ang lahat nang
pinagsumikapan niya’t tinutukan
na mabuwag itong lahat ng iligal
at iba pang bisyong ipinagbabawal.

Dangan kasi, sanhi ng kawalan minsan
niya ng direksyon at kaseryosuhan
(sa pagsasalita), aywan lang kung alam
na ni Ka Digong na siya ay napipintasan?

Eh, bakit nga hindi? Pabago-bago siya
madalas ng mga sinasabi niya,
ang winika ngayon, bukas ay iba na
kaya bigo lagi itong umaasa.

Tulad ng ‘endo’ na aniya’y wawakasan
at ‘appointees’ muna ang lokal opisyal,
natupad bang gaya ng ipinangako niyang
ang korapsyon din ay kanyang tutuldukan?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here