Hindi marunong kumilala sa mga taga media

    471
    0
    SHARE

    Naging matagumpay ang ginanap na dalawang araw na Local Peace and Security Assembly sa El Centro Convention Hall sa Legenda Hotel sa SBMA, pero ang organizer nito ay hindi marunong kumilala sa mga taga MEDIA na inimbitahan pa naman ng mga ito para i-cover ang nasabing event.

    Sa madaling salita marami sa kanila ang pumapel. Mayroon yung “papel de japon” sa kanila na di makayang kontrolin ng organizer nito.

    Sa totoo niyan, itong si Lt. Colonel Francis Jude Lauenco, Committee on Public Information and Media Relations ay nag-imbita ng mga taga MEDIA na nagko-cover sa SBMA at sa kanyang Administartive Notes na kanyang ipinalabas sa MEDIA representatives na kinakailangan na mag-register sa Secretariat.

    Sa madaling salita nandun na ang bawat pangalan ng MEDIA na imbitado at kanyang sinabi na “ONLY MEDIA representatives duly accredited by the Secretariat may be allowed entry in the plenary area, and MEDIA are advise to wear the ACCREDITATION ID at all times during the event and MEDIA shall be allowed to cover the opening activities (entire morning session of Nov. 5, 2008) as well as the closing ceremonies on the second day (Nov. 6) of the assembly”.

    Aba! Nung pangalawang araw, kinakailangan daw may “sticker” yung ID bago ka makapasok sa plenary. Bakit yun bang unang pinamigay niyong ID sa MEDIA ay peke? Dapat nung unang araw ng ipamahagi ninyo ang ID dapat may “sticker” na. malaking abala pa yan sa mga taga MEDIA. Wala sa ayos. Ano pa bang hinahanap ninyo? Nakapirma na ang lahat ng magko-cover sa event ninyo kung ano-ano pang hinahanap ninyo, wala sa ayos ang organizer ninyo.

    Sa totoo niyan mas accredited pa nga yung ID namin kaysa sa ID na ipinamimigay ninyo. Protocol nga sa inyo yan alam namin yan pero, huwag ninyong gawing sunod-sunuran ang mga taga MEDIA.

    Hindi lamang yan. Paki disiplina ninyo rin yung bastos at arogante ninyong tauhan na nakilala lamang sa pangalang “DARWIN” na nagsisigaw sa pasilyo ng Legenda Hotel na animo’y sa kanya yung lugar at pinalalabas yung mga taga MEDIA na dapat ay dadalo doon sa ipinatawag niyong PRESSCON.

    Akala siguro nung walang-hiya niyong kasama humahabol sa pananghalian na inihanda ninyo ang mga taga MEDIA, aba kung tutuusin mas masarap pa yung aming kinakain sa bahay ah!
    Walang utang na loob! Mabuti nga pinaunlakan ng mga taga MEDIA ang inyong imbitasyon.
    Mga Bastos!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here