Nasa Cebu ako nang mapanood sa telebisyon ang balitang pumanaw na si Tita Cory. Natulala ako, nagdalamhati at naiyak. Bagama’t alam natin lahat ang kanyang pinagdaanang sakit, nakakagulat pa rin ang sabihing tuluyan na siyang namaalam.
First year college ako nang maganap ang snap elections kung saan ay nagsama-sama ang mga oposisyon upang suportahan ang kandidatura ng byuda ni Ninoy Aquino upang ilaban kay Marcos. Tama na, sobra na, palitan na! Ito ang siyang naging bukang bibig ng mga Pilipino. Naaalala ko pa ang mga kampanyang pangtelebisyon ni Tita Cory lalong lalo na ang ukol sa presyo ng galunggong. Nang iproklama si Marcos at Tolentino na siyang nanalo bilang Presidente at Bise Presidente, dito na nagalit ng sukdulan ang mga tao. Sa pagtiwalag ni Enrile at ni Ramos kay Marcos, nagbigay ng suporta si Cardinal Sin, mga kaparian, mga tao. Naigupo ang rehimeng Marcos at nailuklok si Tita Cory bilang Presidente ng Rebolusyonaryong Pamahalaan. Ipinagtibay ang 1987 Constitution na sumasalamin sa mga probisyong kontra-diktadura. Naibalik ang demokrasya, naitatag ang mga institusyong pinaniniwalaan ng sambayanan, naibalik ang Pilipinas sa mapa ng mundo. Bawat Pilipino ay nagkaroon ng pagmamalaki sa kanyang lahi.
Sa pagkamatay ni Tita Cory, kulang ang mga mabubuting salita upang ipahayag ang walang hanggang pasasalamat sa mga nagawa niya para sa bayan. Tunay nga siyang bayani tulad ng kanyang asawang si Ninoy. Sa dami ng taong nakidalamhati sa pamilya Aquino – mayaman, mahirap- lahat sila ay nagsasaad ng isang saloobing pasasalamat sa isang taong nagbigay ng pagbabago at pag-asa sa bansa. Matatagalan pa nga siguro bago tayo makatagpo ng isang katulad ni Tita Cory.
Sa pagkakatutok ko sa radyo at telebisyon, habang pinakikinggan ang lahat ng mga mabubuting salita at mga karanasan ukol kay Tita Cory, masasabi kong ang lahat ng ito ay kabaligtaran ng karamihan sa mga namumuno sa ating pamahalaan sa kasalukuyan. (1) Hindi mapaghangad ng kapangyarihan. (2) Walang abusadong mga anak sa politika. (3) Mapagtimpi ng galit at may respeto sa kanyang mga empleyado, kahit na sa ordinaryong mga tao. (4) Hindi sinungaling. (5) Tunay na maka-Diyos, madasalin at hindi ginagawang props sa background si Mama Mary tuwing may interview. (6) May mga tagapaglingkod na may prinsipyo at hindi kailanman tumalima sa kanya. (7) Sumusuporta sa mga pinaniniwalaang adhikain ng walang kapalit o personal na interes. (8) Hindi minsan man nagalit sa kanyang SONA. (9) Naging napakabuting ina maging kay Kris (na aking lubos na hinangaan sa kanyang ginawang pagkalinga at hindi pag-alis sa piling ng inang maysakit hanggang sa huling sandali). (10) Pinanalangin ng mga tao na gumaling at humaba pa ang buhay (sino bang huling opisyal ng gobyerno ang ginawan mo ng ganito?).
Tita Cory, hindi ka nag-isa nang sumuong ka sa sakrispisyo ng pagsisilbi sa sambayanan. Lalong hindi ka mag-iisa sa iyong pagpanaw dahil batid kong kasama ka na ni Ninoy at ng mga anghel sa kalangitan. Sa iyong pagpanaw, nawa ay ipanganak muli ang damdamin ng sambayanan upang labanan ang napipintong pagdating ng diktadurang yuyurak muli sa ating demokrasya.